DC - 4

181 8 5
                                    

Sean's POV

Nakaupo ako sa bench sa loob ng school,  tangina. Hell week!

"Tol, Aga mo namang badtrip?" Tinapik ni Vin braso ko at tinabihan nya ko.

"Tangina kasi, Wala pa kong review!" Napangisi naman si Vin sa sinabi ko at nagkatinginan kami at sabay kaming tumawa.

"Gasgas na line mo na yan, Tuwing midterm at finals ganyan sinasabi mo." Sabi ni vin.

Maya maya naman ay dumating na din si Jules na may dala dalang libro.

Pinaupo namin sya sa gitna namin.

"Tol, dito ka dito ka"

"Oo nga tol gitna ka"

"Alam mo na mamaya ah"

"Tol sagot na namin lunch mo 1 week!"

"TANG--! MANAHIMIK NGA KAYO. DI DIN AKO NAKAPAG REVIEW OKAY!?" Sigaw ni Jules saamin at napatahimik nalang kami ni Vin.

Napabagsak naman ang balikat namin dahil akala namin ni vin ay si jules na ang pag asa.

"Nga pala, Vin! Ang daya mo. Tinakasan mo kami nung nakaraan!" Sabi ni jules

"Oo nga gago, sagot mo gimik natin pagtapos ng midterm ah." Sagot ko naman

"Puta, Emergency nga! Sabi ko naman sa inyo eh taeng tae na ko nun." Pagpapaliwanag ni Vin

"Mga palusot mo!" Pangbabara ko sa kanya

"Tangina. Dapat pala pinicturan ko tae ko nun no?! Para may ebidensya." Natawa naman kami ni jules sa sinabi ni vin

"Para kasi kayong gago. Musta nga pala nangyari nung gabi na yun?" Nawala naman ang ngiti sa labi ko sa tanong ni vin,

"W-wala naman." Sabi ni jules at napatingin sya sa ibang direksyon.

Puta nagflashback nanaman sa utak ko.

• •
*FLASHBACK*

Ihahatid ko na si Lauren sa kanila, at narinig kong nagring ang phone nya at binuksan ko ang message. Text ng lola nya na di daw makakauwi muna sa bahay nila.

"Sean hm...." Tawag ni lauren sakin habang natutulog sya.

Di ko pinansin, tuloy lang ako sa pagdadrive.

Kaya di ko hinayaan na malasing ako dahil alam kong ganto ang mangyayari, hays.

Ng makarating ako kila Lauren agad ko na s'yang ginising.

"Lauren." Banggit ko habang niyuyugyog sya ng konti.

Pero tulog mantika padin.

Bumaba ako ng kotse at binuksan ko pinto nya,

"Lauren gumising ka na---

...

Naputol ang salita ko dahil pinalupot nya ang braso nya sa leeg ko at hinalikan nya ko.

Nanlaki ang mata ko at parang huminto ang oras.

Di ko namalayan na nakapikit na pala ako at sinasabayan ko na pala mga halik nya.

Naputol ang halikan namin dahil tinulak nya ako, Pero mahina lang dahil nanghihina sya.

Sinukahan nya ko.

Fck.

Nilabas ko na sa kotse at ginabayan sya sa paglalakad.

At pinasok ko sya sa bahay nila deretso sa kwarto nya. Wala naman syang kasama except sa mga maid.

Dear Crush (Ft. iKON)Where stories live. Discover now