DC - 7

69 2 0
                                    

Demi's POV

"Pa, bakit ka nag eempake?" nagising ako sa lakas ng pa uusap nila mama at papa kaya agad ako tumungo sa kwarto nila.

"Kailangan umalis ni papa nak para inyo ni mama mo" sabi ni papa at tinapik nya saglit ang balikat ko at tinuloy nya nanaman ang pag aayos ng gamit nya.

"Ma, bakit?" Nagtataka ako sa kinikilos nila, alam kong busy si papa sa trabaho pero di ko alam na aabot sa ganito ang pagka busy nya.

"Nak, tama ang papa mo. Intindihin mo nalang sya ha?" Mahinahong sabi ni mama habang pinapanood nya si papa maghakot ng mga damit nito

"Pa, Para ba to sa trabaho mo? Di mo naman kailangan magpakasubsob sa trabaho para saamin ni mama. Wag ka na umalis pa, kung gusto mo tutulong din ako, magtatrabaho ako--" pinutol ni papa ang sinasabi ko at hinalikan niya ang noo ko at dere deretsong lumabas ng kwarto

"Ma, di mo ba sya pipigilan?" Nakita kong tumulo nalang ang luha ni mama habang tinitingnan si papa papalabas ng bahay

Hindi ko alam kung susundan ko ba si papa pero niyakap ko nalang si mama.

Hindi ko alam kung ano bang nangyayari, ang labo ng lahat. Ang alam ko okay sila pero bakit may layasang naganap?

Isang linggo ang nakalipas halos di ako makapasok sa skwelahan dahil nag aalala ako kay mama magdamag syang nakakulong sa kwarto at di kumakain. Kaya inaalagaan ko sya.

Lumabas ako ng bahay at dumeretso sa grocery store.

Dumeretso ako sa mga gulay at nag isip ng lulutuin. Wala ako maisip dahil di ako sanay magluto ng mga ulam ulam hays

"C-cupcake?" Banggit ng familiar na boses sa tabi ko.

Uy si mr pink

"Mr pink!" Natutuwa kong sabi at napangiti naman sya "kamusta? Oh bakit ikaw ang nag gogrocery?" Tanong ko sa kanya

"May batas ba na bawal mag grocery ang mga lalake?" Banggit ng kasama nya na si chan

"Ah-- eh.. Hindi naman hehe." Sabi ko habang pasimple kong inirapan si chan

"Wow ha. Sayo pa galing di ka naman tumutulong. Umuwi ka na nga wala ka naman silbi" sagot ni Mr pink I mean ni Song kay Chan at umalis nga ito ng naka earphones na tila walang pake sa mundo.

"Hayaan mo yun, napilitan lang kasi, pinilit ko lang sya na samahan ako hahaha" paliwanag nya "tsaka wag mo ko tawaging Mr. Pink, ang baduy hindi bagay sa aura kong pang super model" dagdag nya sabay pose with hawak na gulay

Dear Crush (Ft. iKON)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz