6

447 25 2
                                    

Cheol: Bes

Hoon: oh?

Cheol: san ka.

Hoon: classroom. Bakit?

Cheol: pwede ka bang pumunta sa garden saglit.

Hoon: huh? Bakit? May problema ba?

Cheol: Basta punta ka na lang muna dito sa garden ng school.

Hoon: cge cge. Saglit lang bes.

Hoon has logged out

~~~~~~~~~~~~

Jihoon's POV

Nagmadali akong pumunta sa garden saka nilibot ang paningin ko. At ayun siya, nasa ilalim ng puno nakasulong at nakatingin sa kawalan.

Nilapitan ko ito saka tinapik ang balikat neto. "Hoy, bes." pabulong kong tawag.

Tumingin ito sa akin at dun ko lang namalayan ang mga mata niyang pulang pula dahil sa kakaiyak.

"Oh. Anyare sayo? Bakit ka umiiyak?" pagaalala kong tanong.

"Wala na..." pabulong niyang sagot at nagsimula na naman kumawala lahat ng luha niya.

Putik hindi ako marunong kung paano mag comfort ng tao eh! Paano!?

No choice niyakap ko na lang siya bigla at nabigla naman ako ng may mga brasong yumakap sa akin ng mas mahigpit. Humagulgol na siya kakaiyak at ako dito pinapatahan kahit hindi ko alam ang ginagawa ko.

Nakita kong normal na ang paghinga niya kaya inalis ko ang yakap niya sa akin. Nang makarinig ako ng mga hilik. Aba nakatulog si utoy. Sino ba naman hindi mapapagod sa kakaiyak halos buong araw na.

Umayos ako ng upo at sumandal sa puno saka siya inayos ng higa baka magkastiff neck pa to pag gising eh.

~~~~~~~~~

Exam bukas.

Bakit hindi ako nagre-review.....

「 BES || JICHEOL 」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon