7

444 25 6
                                    

"Wag niyo munang gisingin!"

"Bakit ba?! Uwian na oh! Ano gusto mo buong gabi sila dito! Ang sama mo talagang kaibigan!"

"Gaga hindi yun ibig sabihin ko!"

"Han, bibig mo."

"Hihihih sorry Jisoo ko! Hihihih"

"Aba puta. Lumande pa."

"May sinasabi ka."

"Huh? Sabi ko gisingin niyo na yang dalawa."

"Saglit nga lang! Pipicturan ko sila! Kyaaaah ang cute nilang dalawa!"

"Yuck. Kabaklaan mo Jeongahan lumalabas. So kaderder tologo."

"Manahimik ka nga dyan biik!"

"Ano sabi mo!?"

"Sabi ko biik ka! Ano palag ka?!"

"Gago ka ah!!!"

"Hoy. Tumahimik na nga kayo dyang dalawa. Gisingin niyo na lang yung dalawang natutulog."

"Wait lang kasi! Pipicturan ko lang!"

"Wag na. Bilisan niyo na lang dyan ng makauwi na tayo lahat."

"Ito na po boss."

"MAY SUNOG!!!!!!!!"

napatayo bigla si Cheol sa pagkakahiga niya sa binte ni Hoon at inkot ikot ang paningin kung may sunog.

"Uto-uto ka naman." sabi ni Hoon habang kinukusot ang mata.

"Oh bakit kayo nandito?" tanong ni Cheol.

"Uwian na po." sabi ni Gyu.

Nakatingin ang dalawa sa lahat ng kaibigan nila na nanlalaki ang mata.

"ANO?!" sabay na napasigaw ng dalawa.

"Bag niyo." saka hinagis kayla Hoon mga bag nila. "Bilisan niyo magsasara na gate ng school."

Sinuot na ng dalawa bag nila saka sila nagsimula maglakad.

"Ganun tayo katagal nakatulog?" Pabulong na tanong ni Cheol kay Hoon.

"Probably. Tignan mo naman inabot tayo ng uwian." Sabi ni Jihoon, matter of fact.

At nagtawanan na lang ang dalawa.

~~~~~~~~


「 BES || JICHEOL 」Where stories live. Discover now