Chapter 6

29 5 1
                                    

Zaine's POV

What the fuck is wrong with me? Did I just hugged her? Damn. Binatukan ko ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko. Why all of a sudden I just felt hugging her? At ako naman si gago, hindi ko man lang nakontrol ang sarili ko.

Well, hindi ko maikakaila na nagulat ako sa tapang niya. Nang sitahin siya ng prof. ay namangha ako dahil sumagot siya ng pabalang. I'm not into girls who don't know how to respect pero siya, he amaze me. Palaban siya, kaya habang nagddiscuss siya sa harap hindi ko napigilan ang sarili ko na magsalita dahilan para matigilan siya. Nakakabilib lang kasi, kahit na gangster siya may ibubuga din pala siya sa klase. Natuwa ako dahil halos lumaki ang butas ng mga ilong niya ng lapitan ko siya at hamunin ang kakayahan niya. Gusto ko lang naman siyang asarin, pambawi ko na rin sa ginawa niyang pambubugbog saken kanina. Although nakakalalaki siya pero ang astig niya sa part na yun. Plano ko lang namang ipahiya siya kapalit ng mga sapak niya saken kanina pero wala sa plano ko ang yakapin siya. Naramdaman kong nanigas siya, maybe hindi niya inaasahan yon. Ako din naman, di ko inaasahan na gagawin ko yun. At shit! Ang lambot ng katawan niya, wala sa loob ko na hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Akala ko makakatikim nanaman ako ng sapak pero ilang segundo na wala parin siyang reaksyon. Gumagana na ba ang epekto ko sa mga babae sa kanya ngayon? Kanina kasi hindi man lang siya naapektuhan ng pagiging gwapo ko. Nadelay lang siguro. Haha. Mayabang ba ako? Okay lang, may ipagyayabang naman.

Andito ako ngayon sa canteen. Lunck break namin. Biglang may lumapit na babae saken.

"Hi! pwedeng makishare ng table? crowded na kasi."

Tumingin ako sa paligid. San banda yung sinasabi niyang crowded? Maaga kaming nag break kaya halos wala pang mga estudyante sa cafeteria. Hindi ko na nga lang pinansin dahil alam ko na ang intensyon nito like what other girls do.

Nakatingin lang ako sakanya.. kay Torres. Hindi ko kasi alam pangalan niya. Torres lang kasi ang tawag sakanya ng mga prof. namin.

Boyfriend niya ba yung kasama niya? Kanina ko pa kasi sila napapansin na magkasama. Nagkukulitan din sila sa classroom kanina. Tinatarayan niya lang yung lalaki pero tuwang tuwa naman sa pagtataray sakanya. Psycho ata to.

"Bago ka lang dito?" Nabalik ang tingin ko sa kasama ko sa mesa. Hindi ako umimik. Tinuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Ako nga pala si Reycy, Third year BS tourism . What about you?"

Malapit na akong mairita. Akala ko ba makikishare lang ng mesa?
"Zaine." Para naman hindi niya sabihing bastos ako.

"Hello Zaine. Ang ganda naman ng name mo. Bagay sayo. Pang gwapo."

Pinapanood ko si Torres habang dinuduro ng tinidor ang kasama niya. Napangiti ako. Amazona talaga. Pero nawala ang ngiti ko ng biglang hawakan ng lalaki ang kamay ni Torres na may hawak ng tinidor at halikan siya sa pisngi.

"Anong course mo Zaine?" Hindi ko pinansin ang kasama ko. Bahala siya mag salita mag isa.
Busy ako.

Nanatili lang akong nakatingin sa dalawang naghaharutan sa kabilang table. Tatlong mesa ang agwat ko sa kanila. Shit!

"Bakit ka nakatingin sakanila? Type mo ba si Alexa?" Nabalik ang atensyon ko sa katabi ko. Kumunot ang noo ko?

"Sinong Alexa?" tanong ko.

"Siya." nginuso niya si Torres.
"Siya si Alexandrea Genevieve Torres. Bitch yan. Walang kinakatakutan. Kahit mga faculty ng school sinasagot niya. Pati mga lalaki dito hindi niya inuurungan. Masyadong palaban at maldita, palibhasa brattinella."

Napangiti ako. Alexandrea Genevieve pala ha.

"Mabait naman yan dati eh. Anghel kung anghel ang ugali niyan. Pero ngayon, dinaig pa si lucifer. Palibhasa iniwan ng dating boyfriend kaya hanggang ngayon bitter."

Napakunot ulit ako ng noo. "Iniwan? Bakit?"

Nagulat naman ang kausap ko at parang naconfuse pa.

"O bat bigla kang naging interesado? kanina akala ko man of few words ang kausap ko."

Tiningnan ko lang siya ng masama. "Tss.."

"Eto naman nagtampo agad. Sige na nga sasagutin ko na yang tanong mo. Kung hindi ka lang gwapo eh...Eherrmm.. this is it pansit. Si Dylan Marco Hernando ang dati niyang boyfriend. First boyfriend pa. Mabait sila pareho at matatalino. Sobrang mahal ni Dylan si Alexa. Wala siyang pakealam sa mga babaeng naghahabol sakanya, basta si Alexa lang ang nakikita niya. Ganun din si Alexa, sobrang mahal na mahal niya si Dylan. Kumbaga head over heels inlove na siya. Palagi siyang nakangiti kahit kanino. Sikat sila dito sa school dahil mga elites sila. May kasunduan narin ang pamilya nila na magpapakasal sila para narin sa partnership ng mga kumpanya nila. Balitang balita ang pagmmerge ng Hernando-Torres at ang pagiging successful ng partnership nila kasabay ng engagement ni Alexa at Dylan. Pero.."

"Pero? Ano??"  hindi ako nakatiis. Nakuha pa kasing mambitin.

"Wait lang. 'To naman. Di pwedeng huminga muna? Ayun nga. Nagdesisyon ang mga magulang nila na pagkasunduin na silang dalawa. Invited lahat ang buong Oxford University. Nag host sila ng isang malaking engagement party. Ang ganda ganda ni Alexa nong gabing yon. Iba talaga pag prinsesa. Sana ganun din ako, kelan ko kay--"

"Stop that flowery mouth, go straight to the point!" Hindi na ako nakatiis. Pambihira ang dami pang satsat.

"Oo na eto na, nagmamadali? may lakad? may lak--"

"ISA!" pananakot ko.

"Hindisiyasinipotngprinsipeniya" biglang sagot niya. Grabe, straight to the point nga. Wala talagang point at spaces.

"Ano?" di ko naintindihan. Di kasi magpreno.

"I said, hindi siya sinipot ni Dylan sa araw ng engagement nila. Umalis ito ng bansa ng walang nakakaalam kung saang partikular na lugar siya pumunta. Even Dylan's parents had no idea at all. Malaking kahihiyan at gulo ang nangyari. Pero walang pakealam si Alexa sa kahihiyang dulot ng pag alis ni Dylan. Because Alexa on the other hand was torn into pieces. Sobrang nasaktan siya non. May kumakalat na balita na yung bestfriend ni Alexa na si Maxene ang kasamang umalis ni Dylan, parang lumalabas na nagtanan sila, ganun. Pano namin nasabi? kasi kasabay ng pagkawala ni Dylan nung araw ng engagement ay ang pagkawala rin ni Maxene, at tulad ni Dylan walang nakakaalam kung nasaan si Maxene. Pero hindi naniwala si Alexa sa mga balitang iyon. Malaki ang tiwala niya kila Dylan at Maxene. Kahit gaano ka talaga kaperfect no, darating at darating parin ang problema sayo. Hinanap niya si Dylan. Kung saan saan siya pumunta. Ginamit niya ang kayamanan at kapangyarihan ng pamilya niya mahanap lang si Dylan, pero syempre paano mo nga naman mahahanap kung ayaw magpakita sayo. Don na siya nagsimulang mag bago. Naging war freak na siya. Wala siyang kinakausap. Wala ring nagtatangkang kumausap sakanya dahil lahat ng lumalapit sinisigawan niya. And the rest is history."

Natahimik ako. Hindi ko akalain na ang amasonang tinitingnan ko ngayon ay may ganung nakaraan. Bigla siyang lumingon saaken. Tiningnan niya ako ng masama. Lumaban ako ng titigan.

"Uy.. wala ka man lang bang sasabihin? Ang haba ng sinabi ko ah. Dinaig ko pa si ate charo."

"Sino yung kasama niya?"
tanong ko.

"Ahh.. Yan si Joshua. Siya lang ang nakakalapit kay Alexa. Kahit sinasapak na siya lapit parin siya ng lapit hanggang sa naging mag bestfriend na sila. Minsan nga akala mo mag syota sila dahil ang sweet ni Joshua sa kanya. Pero lumala lang ang ugali no Alexa, maldita parin."

Napatingin ako sa likod ng kausap ko. "Uy.. bat di ka na umimik diyan? Sino bang tinitingnan mo sa likod at ganya-- Alexa?!"

"Am I just assume na narinig ko ang pangalan ko?" Hindi ko namalayan ang paglapit niya kanina. Nagulat nalang ako na nasa likod na siya ng kausap ko.

--------------------

a/n: sabaw sabaw na ang utak ko. Piniga ko na rin at lahat. Kaya sana magustuhan niyo ang chap. na to. Hihi.. wala bang may gustong makita si Alexa? walang nag cocomment eh. Yung mga silent reader jan, uy paramdam kayo. Para makilala ko kayo. Till next chapter again. Love you guys 💋

like.vote.share.comment

The Day You Said GoodbyeWhere stories live. Discover now