Chapter 9

21 4 0
                                    

Pag kauwi ko ng bahay dumeretcho agad ako sa kwarto at nagshower.

I sigh. What a stressful day. Inalala ko lahat ng nangyari ngayong araw at ang pinaka sumira ng mood ko simula sa pagbangga niya saken sa hallway hanggang sa pambubwisit niya.

Biruin mo ba naman, habang gumagawa kami ng seat work (seat work? lakas maka elementary) ilang beses siyang nag crumple ng papel at itinatapon sa harap ng upuan ko. Nung una hindi ko pinapansin. Kaso buong pages na ata ng yellow pad niya ang pinunit niya at tinapon sa harap ko hanggang sa napansin ng prof. namin ang mga papel na nakatambak sa paligid ng upuan ko at napagalitan ako. Syempre umalma ako, itinuro ko ang salarin na katabi ko at sinabing siya ang may gawa non. Pero ang hinayupak itinanggi ito at umaktong inosente na parang aping api. Dinampot niya ang ilan sa mga papel at binuklat ang mga ito.

"These are not mine sir. Look, she has her name written on the paper. " baling niya saken. At ako, dahil sa shockness hindi ako maka react. Wow ah, best actor pala ito eh. Hindi ko yun matanggap na hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. Ma dedetain na sana ako pero buti nalang nirescue ako ni Josh. Sinabi niyang hindi ko papel ang mga iyon dahil kulay pink ang pad paper ko at hindi ganon ang penmanship ko. Buti nalang at kahit papano maaasahan si Josh. Paminsan minsan may utak din ito eh. Paminsan minsan nga lang.

Pero nainis lang din ako dahil hindi man lang nadetain ang loko ng mapatunayan kong si Suzaine ang may kasalanan, ni hindi nga umimik ang prof eh. So what's happening? May special treatment bang nangyayari? o pinagbigyan lang siya dahil bago lang siya? Pero kahit na, hindi tinotolerate ng Oxford ang mga pasaway na estudyante, kahit nga ako madalas maparusahan sa mga kalokohan ko. Kaya siguro to lumipat dahil na kick out. I've heard na sa Illea Academy pa siya galing. That was a famous school in Paris. Pangarap ko ngang don mag aral together with Dy--nevermind.

Mabilis kong tinapos ang paliligo dahil kung anu ano nanaman ang sumasagi sa isip ko. I'm in the middle of blowering my hair when someone knocks on my door.

"Come in." I said without looking who's entering my room. I saw mom through the reflection of the mirror in my dresser.

"I made a cheese grilled sandwich honey. I was thinking if you won't mind sharing merienda with me." I look at mom and smiled. How so sweet of her. She's still a hands-on mom even though we're grownups.

"Sure." I said.

Kinuha niya ang hair brush at sinimulang suklayin ang buhok ko. "Honey, how are you?" she suddenly ask out of the blue.

I frowned. What's with that sudden question? "I'm pretty and perfectly fine, mom. Thanks for the concern."

"Glad to hear that. What about.. your heart?"

I didn't speak for a while. I was caught off guard.

I look at her intently in the reflection of my dresser. I saw her smile apologetically like she was saying 'was it be okay to talk about it?'

"It's okay." I said, allowing her to discuss it.

"How's the investigation?" She start.

"Well, I didn't stop searching. Actually I'm planning to find him all by myself, mom." I answered.

The investigator that Zac recommended was useless. May nalalaman pa si Zac na 'Trust me on this one Princess, he's a highly investigator. Wala pa siyang hindi nalulutas na kaso. I'm willing to give my 5 credit cards if a months wala pa si Dylan sa tabi mo.' There is no progress at all. It's been a year and yet until now wala parin akong nakukuhang lead. Hell, isang tao lang ang pinapahanap ko hindi niya pa magawa. Triple pa nga ang binabayad ko para lang bilisan niya ang paghahanap. Remind me later na singilin si Zac ng 5 credit cards, sayang din yon pang shopping.

The Day You Said GoodbyeWhere stories live. Discover now