Chapter 10

8.9K 162 2
                                    

Gwen's POV

Isang buwan na lang. Isang nalalabi para makasama ko si Blake.

2 months na akong buntis.

Buti nalang di halata sa tyan ko.

Pero yung moodswings ko, grabe.

"Friend ano ba yan!" Saway sakin ni Eloise.

Napanguso naman ako.

"Ang weird mo." Napailing si Summer.

Anong weird sa pinaghalong gatas at kanin?

Ang sarap kaya nito!

"Bakit ba?" Inirapan ko sila.

Alam ko namang gusto nila nito eh. Naiinggit lang sila!

"Ano bang nangyayari sayo? Kanin at gatas? Really?" Di makapaniwalang saad ni Elaine.

"Edi wow! Try nyo kaya!" Sabi ko sabay belat sakanila.

"No thanks." Sabi ni Elaine.

"Hala! Ang sarap kaya nito." Napasimangot ako.

"Hayaan nyo nga." Saway ni Ace sakanila.

Buti pa to e.

"Oo nga." Sabat ni Tyler.

Aha!

"Tyler! Tikman mo!" Nakangiti kong sabi sakanya.

Nilapit ko yung kutsara sa bibig nya.

Iniwas nya ang mukha nya sakin.

I pouted.

Ang sarap e.

"Pagbigyan mo na si Gwen." Ngumisi si Ace.

"Sure. Basta ikaw din a?" Tumawa si Tyler at kinain yung nilagay ko sa kutsara

"Ace, it's your turn." I winked at him at pinatikim sakanya yung kanin na may sabaw na gatas.

"Diba masarap?" I smiled at them.

Tinignan ko si Ace na mukhang teary eyed na.

Tumango sya.

Huehue. Sabi na eh.

After class ay umuwi na ako sa apartment ko.

Nakita ko si Blake na naglilinis.

Taray. Husband material.

"Hi Blake." Bati ko sakanya

"Gwen may pumunta kanina dito." Sabi nya at umupo sa sofa.

"Oh? Sino daw?" I asked.

Wala naman akong ine-expect na bisita ah?

"Conrad Francis Cruz daw."

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Ahh. Yung anak ng best friend ni Mommy." I smiled at him.

"Bat ka nya hinahanap?"

Sht. Isip dahilan.

"Siguro may pinapaabot lang si Mommy. Anyway, bat ka nandito?" Pag-iwas ko ng topic.

"Ano? Aalis na ba ako?"

"Di naman! I mean, naglinis ka pa. Nakakaabala pa ako sayo." Sagot ko.

"Nah, wala naman akong klase eh."

I just nodded.

******

Habang nagbabasa ako ng libro sa may carpet biglang pumunta sa likod ko si Blake. Sumandal ako sakanya. (Nasa gitna ako ng kanyang mga hita.)

One Fateful Night حيث تعيش القصص. اكتشف الآن