Special Chapter 2

8K 156 25
                                    

A/N: Hi guys. :) Here's special chapter 2. I don't think kaya ko pa gumawa ng book 2 :( Again, salamat sa mga sumuporta. This is an untold chapter. Meaning, parang flashback sya or whatever you want to call this. Basta di sya nabanggit sa ibang chapter. :)

----

UNTOLD CHAPTER

~Gwen~

"Grabe. Ang gwapo ni Sir Ramos!" Rinig kong bulong ng kaklase ko. Bulong. Pero parang sigaw yung ginawa nya.

Kunware ay di ko nalang narinig. Nakatutok pa din ako sa librong binabasa ko.

"Sinabi mo pa. May girlfriend kaya yun?" Kumabog ang dibdib ko ng marinig ko yun.

"Ang alam ko naman, wala. I've never seen with a girl. Kung ikaw ba naman ang girlfriend nya, ikakahiya mo ba?" My classmate chuckled.

Isinara ko ang libro ko at inayos na ang gamit ko.

"Ang swerte siguro ng girlfriend nya."

Napailing nalang ako sa mga naririnig ko.

From: B.

Hi Baby. I miss you. :(

Hey. Di mo ba ako na-miss?

Vacant ko ngayon. I wanna see you. Pero alam kong bawal.

I can't believe I'm in this situation.

Hi Miss, How to be yours po?

Going jeje for you. :( 

Sunod sunod ang text message ni Blake. 

To: B

Hi Sir. Ang childish mo po. Professor ka po ba talaga? :) 

Napangiti ako sa pang-aasar ko sakanya.

From: B
Ah ganun? Grabe ka, naglalambing lang eh. :(

Lalo akong natawa sa reply nya.

Nag-ring ang bell at lumipat na ako ng klase. My next teacher? Blake.

Pag pasok ko ay kaunti palang kami.

Nakita ko si Blake na nakasimangot. Kung titignan mo sya ay nakakatuwa. Naka long sleeves sya na tinupi hanggang siko. At naka-eyeglasses pa.

Tumingin sya sakin. He raised his eyebrow.

Sht. Bakit ang gwapo nya?

Kinuha ko ang notebook ko at nagsulat.

"CLINGY"

Malalaking letra. Hinarap ko sa direksyon nya ang notebook ko.

"I'm not." My eyes widen when he spoke.

Tumuon ang pansin sakanya ng mga kaklase ko.

I cleared my throat at kinabahan dahil nakatingin pa din sya sakin..

"I'm not going to give you a quiz today." Sabi nya.

Saglit na tumingin sya sa Iba kong kaklase pero ibinalik nya ang tingin sakin.

I picked up my phone to send him a text.

To: B

Stop staring at me. Patay ka sakin pag nahalata nila tayo.

Our situation is so hard. We have to keep everything a secret.

From: B

Patay ako sayo? No need, babe. Patay na patay na ako sayo simula palang.

I blushed when I read his reply.

I saw him smirk. Pumunta sya sa gitna ng room at nag-discuss na.

Minsan naisip ko, hanggang kelan kaya kami? Tatagal ba kami? Hindi ako sigurado.

"Gwen, uh.." Nilingon ko ang kaklase ko.

Tinaasan ko sya ng kilay. Nagulat naman ako nang biglang namula ang tenga nya.

"P-pwede ko bang mahiram yung notes mo nung M-monday? A-absent kasi ako nun e." Yumuko sya.

Ah. Maybe he's shy. Di naman kasi kami ganun ka close.

"Sure." I smiled at him.

Inabot ko ang notebook ko sakanya.

Hinintay ko nalang matapos ang discussion. At nang matapos na ay lumabas na ako. Si Blake ay nasa gilid ng pintuan. Unfortunately, ako ang huling lalabas.

Pag daan ko sakanya, I heard him whispered, "Ingat, Baby. I still care for you thou you always make me jealous."

Pakiramdam ko nag-evaporate ang kaluluwa ko sa sinabi nya.

********

A/N: so, kamusta? Haha. More untold chapters or nah?

One Fateful Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon