3:Stone District❤Lang Forevs Cafe☕

5.2K 210 61
                                    

Kim's POV

Lumayas na kami sa Heart Academy at tumuloy na papunta sa susunod naming destinasyon.

Hinding-hindi na kami babalik doon.

Masagasaan sana ang babaeng iyon.

Yung tipong lalabas lahat ng lamang loob niya tapos magkakalat ang dugo niya sa sahig.

Mga butong nagpira-piraso.

Piping ulo.

Oh god.I love seeing blood.

Them screaming in pain and agony.

Nails being removed.

"Anak anong nangyayari sa'yo?"

"Wala lang ma"Tsaka ko lang napansin na para akong baliw habang nakakuyom ang mga kamay.

Sorry naman na-carried-away lanv.

Lalo tuloy akong na stress dahil sa kanya.Having the desire to kill her.

Meehehehe.

Pumunta na kami ng station kung saan sasakay kami ng Essence Train papuntang Stone District.

Oo ,tama kayo mga bata!

Tama po ang nababasa niyo ngayon sa inyong screen.

At ayan po ang lucky word natin ngayon.

Itext niyo lang po sa 1234•space•lucky word of the day•age•at address.

Text na for more chances of winni-

Teka!?Anong sinasabi ko?

Ok back to the story.

Ngayon alam niyo na kung saan ang susunod naming destinasyon namin.

Ang Stone District lamang mga bata.

At alam niyo ba mga bata? na ang Stone District ay sinasabing Stone District ang tawag dito dahil sa pinaniniwalaan nilang ang mga ninuno nila ang unang nakadiskubre at gumamit ng mga mahihiwagang bato/gems/brilyante.

Oo brilyante,yung parang sa enca kaso dito madami ang brilyante.

Ok wala lang dagdgag kaalaman lang.

Tanging mga naatasang opsiyales lamang ang nakakaalam kung saan nakukuwa ang mga brilyante.

Dahil ito ang pinagmulan ng unang digmaan.Kaya mas nakabubuti kung walang nakakaalam.

Nang humintk na ang Essence Train ay bumaba na kami at pumunta na kami sa central ng Stone District.Dahil sabi ni Dora-este Mama doon daw ang lokasyon ng akademya.

Kung napapansin niyo ay laging nasa gitna ang mga academy?

Hindi ko rin alam kung bakit.

Pero bago kami pumunta doon ay naghanap kami ng makakainan dahil kailangan namin ng totoong pagkain.

Puro junk foods kasi dala ni mama.

Di ko nga alam kung bakit may kasama pang basko at 5 litrong coke.
Tapos isang galon na tubig.

Matapos naming maglakad-lakad ay may nakita na kaming isang matinong coffee shop ay dun na lang namin naisipang kumain dahil matakaw si mama sa matatamis.

Yung iba kasing coffee shop dito ay may halong alak.Tapos may mga sumasayaw pa.

Seryoso?Coffee shop ba yun? o bar?

Pumasok na kami ni Mama at agad kaming binati ng guard

"Good morning,welcome sa 'Lang Forevs💔 Cafe,you may take the seat beside the window"Sabi ni manong guard na ang pangalan ay Mr.Hart Brik.

Umupo na kami ni Mama sa upuan at agad na nagtawag ng waitress na ang pangalan ay Ms.Mub On.

"Ma'm what's your order?"Tanong niya.

"Dalawang 'paasa ka' cake,Dalawang 'manhid' coffee at Dalawang 'manloloko' ice cream"Sagot ni mama.

"Ok ma'm please wait for your order"Sabi ni Ms.Mub On.

Pagod na nga ako,paghihintayin mo pa ako lalo.

"Nakakainis talaga yang Heart Academy na yan hinahighblood ako diyan"Sabi ni mama.

"I know what you feel"Sagot ko.

Nagdaldalan/nagchismisan muna kami ni mama at huminto lamang kami nang dumating na ang waitress dala ang mga inorder namin.

Paepal 'itong waitress na ito.Naguusap yung tao eh.Joke!

"Ma'm this is your order,thanks for waiting"Sabi niya at tuluyan nang umalis.

Ganyan yung ibang tao eh.Isiniisantabi ka na,paghihintayin ka ,babalikan ka, pero sa huli iiwan ka rin.

Nilantakan/nilamaon na namin ang pagkain namin na kapag kinain mo ay mararamdamn mo kung gaanong broken-hearted ang may ari nito.

Parang hindi lang broken hearted ang may ari nitong coffee shop.
Parang lahat yata ng problema sa mundo sinalo na niya.

Pero siguro masaya naman siya dahil sa coffee shop na ito.

Kasi sa buhay kahit malungkot ka at problemado ka.

May isang bagay/tao na andyan na nagpapasaya sa'yo.

Pagkatapos namin lumantak/lumamom ay nagpahinga na kami.

Andami naming alam no?

Inuna pa namin ang paglamon kesa sa puntahan at unahin ang mas importante.

Ganyan kasi ang ibang tao.Mas pipillin nila kung ano ang mas makabubuti sa kanila.

Ininom ko muna ang isang pitsel ng tubig at nagpabalik-balik sa cr bagi kami lumabas ng Coffee Shop at naglakad na kami uli para sa tunay na pakay namin.

tbc

______________________________________

Gutom pa rin ako...

-Risshy-

vote.comment.share

Hidden AcademyWhere stories live. Discover now