19:First Encounter

2.6K 125 10
                                    

Kim's POV

Nandito na ako sa adte na sasakyan namin.

At katabi ko naman sa upuan si Jullian.

Nakita ko anamn si Auntie na nakatingin sa akin na parang may pinaparating.

Ayan!Kaya ayaw kong makasama si Auntie eh!May sayad 'to!

Hinihintay pa namin ang iba, antagal naman nila,nasan na ba yung mga yun.

Ang awkward kasi kaming dalawa ni Jullian magkatabi?Eh hindi pa naman masalita 'to!

Idagdag pa 'to si Auntie!

Aasarin nanaman ako niyan.

Ganyan naman yan si Auntie,kapag nakita akong may kasamang lalake.

Tatanungin ako kung boyfriend ko ba,crush ko ba,o kaya naman kung MU daw ba kami,yung mga ganung bagay.

Anglabo niya 'no?

Matapos ang matagal at nakakabinging katahimikan ay dumating na rin sa wakas ang iba pa naming kasamahan.

"Bakit antagal niyo?"Tanong ko.

"Ahhh,binibigyan lang namin kayo ng or-ay ano pala,syempre diba malayo yung pupuntahan natin,kaya kailangan naming maghanda"Sagot ni Drake.

"Talaga?Nasan?"Tanong ko habang nakakunot ang noo.

May problema talaga dito eh.

O baka naman wala.

"Syempre may magic kaya wala,anubayan kim wala ka bang tiwala"Sagot naman ni Ira.Anong drama 'to,kinokonsensya ba nila ako?

Pinaupo ko na lang sila para makaandar na kami,at syempre gusto kong maging driver.

"Ako magddrive!"Pagpresinta ko.

"Si-"Papayag sana sila kaso biglang umepal si Auntie.

"Huwag kayong papayag!Siguradong pagsisihan niyo!"Pigil sa kanila ni Auntie.

Buwahahaha!!!Hindi niyo ko mapipigilan.

Bago pa nila ako mapigilan ay agad na akong pumunta sa drivers seat at pinaharurot ang adte.

Bwuahahaha,ang bilis ng andar namin ngayon.Ang saya ko!!!Wiiih!!!
Para lang kaming lumilipad.

Tumigil na lang ako nang nangawit na ang kamay ko.

Alam kong bagi pa lang ako dito.Pero hindi ibig sabihin nun ay maliligaw na lang ako basta-basta.Matalas kaya instinct ko!Alam ko kung saan ang dapat tahakin.

Bumaba na ako ng adte at nakita ko naman sila na nagsusuka.

Ganong kalala ba ako magdrive?Hindi naman siguro.

Nakita ko naman si Auntie na nakabulagta sa damuhan.

Pinuntahan ko ito at tinanong kung ok lang ba siya.

Binatukan naman ako ni Auntie dahil sa tanong ko.

"Sa tingin mo ok lang ako!Halos tangayin na ang kaluluwa ko sa ginawa mo"Sagot niya at bumuntong-hininga.

"Sabihin mo sa iba na dito muna tayi magpapahinga,mukha namang ligtaa dito"Utos nito sa akin.

"Sige"Sagot ko.

At naglakad na ako papunta sa iba nang may batong tumama sa akin.

Liningon ko ang pinanggalingan nito at nakita ko naman si Auntie na nakadila lang sa akin.

Inirapan ko na lang ito at pinuntahan na ang iba.

"Psst!Hoy!Dito na daw tayo magpapalipas ng gabi"Sigaw ko sa kanila.

Hidden AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon