7:Welcome To Hidden Academy

4.5K 173 11
                                    

Kim's POV

Nakatingin ako sa labas habang nakasakay ako sa kotse namin.

Mamimiss ko talaga dito.

Umandar na ang kotse at habang palayo kami ng palayo ay hindi ko na nakita ang bahay namin

UGH!Why do I have to leave?

I don't know but I'll keep this to me.
Maybe because there's a reason.
I don't want to argue with my parents and I don't want them to be angry at me.

I only have one option,I need to accept this,I have no more chance.

Ay shet!Straight English

Dinaanan na namin lahat ng district at sobrang tagal at layo nang binayahe namin kaya gabi na

Pagkatapos naming daanan lahat ng district ay napansin ko na dumadaan na kami sa isang gubat,but may road siya at sigurado akong walang nakakapansin dito dahil bukod sa madilim ay nakakatakot ito tignan kaya wala sigurong nagbabalak na pumasok.

Kinilabutan ako nang pagpasok namin sa gubat.

Pero agad na nawala iyon dahil sa nakita ko.

Akalain mo nga naman,ang akala kong nakakatakot na lugar,maganda pala.

Dahil makikita mo na umiilaw ang mga firefly habang lumilipad at dumagdag pa ang ilaw na nanggagaling sa buwan.

WHAT A BEAUTIFUL SCENERY!

Dahil sa sobrang pagkamangha ay di ko na napansin na huminto na ang sasakyan namin.

"Dad,ba't tayo huminto?"Takang tanong ko.

"Ipinagbabawal dito na magpasok ng mga sasakyan mula sa ibang district"Sagot ni daddy.

"Bakit po?"tanong ko ulit.

"Dahil makakaramdam ang mga tao ng kakaibang enerhiya mula sa mga sasakyan,kaya baka malaman nila ang tungkol dito sa lugar na ito"Sagot naman ni mama.

Hindi ko alam na malaki pala ang extent ng kapangyarihan sa iba't-ibang district.

Matapos ang nakakabinging katahimikan habang naglalakad ng 5 kilometers.Na napabilis naman dahil nagteteleport naman kami dahil isa yun sa mga exas ni mama o extra abilities.

"Andito na tayo"Pagbasag ni daddy sa katahimikan.

Pagtingin ko ay may malaking gate na gawa sa ginto.

At may nakaukit na mga letra sa itaas nito.

🔘🔵▫◾🔹🔳HIDDEN🔳🔹◾▫🔵🔘
Ξ ▒ ∞▨▨ACADEMY▨▨∞▒Ξ

My ghad gate pa lang ang ganda na!
Pano pa kaya pag pasok?

"Anak hanggang dito na lang kami"Sabi ni daddy.

"Pero dad!Hindi niyo man lang ba ako sasamahan sa loob?"Tanong ko.

"Hindi anak,at tatandaan mo,huwag na huwag mong sasabihin sa iba na Zerdivanes ka,isa kang Zera tandaan mo yan"Sagot ni mama.

"Bakit naman po?"Tanong ko.

"*sigh*Hindi mo kami maiintindihan"Sagot uli ni mama

"Ang ganda mo talaga anak"Sabi ni mama sa akin at napabuntong-hininga.

"Sige iiwan ka namin"Sabi ni mama.

Naiwan lang ako sa tapat ng gate kasama ang mga gamit ko at palayo na nang palayo sila mama sa akin.

Hindi ko alam kung anong gustong sabihin ni mama.Pero pakiramdam ko ay kailangan ko itong sundin.

Ngayon........
Ano ng gagawin ko?

Hidden AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora