Thirty two

73.9K 1.3K 85
                                    


Pagkababa ni Colyn sa kanyang kotse ay masayang pumasok siya sa 'Food Bowl', agad naman siyang nilapitan ng isang crew ng restau.

"Table for one po ba ma'am?" tanong nito sakanya.

Umiling siya kasabay pa ng wasiwas ng kamay. Nginitian niya ito ng alanganin. Hindi alam ang sasabihin. "Uhm, nandiyan ba si Jeremiah Santillan? Imi-meet ko kasi siya. I'm Colyn Valdez." pakilala niya sa kanyang sarili.

"Ah kayo po pala si Ma'am Colyn. Opo ma'am, binilin nga po ni Sir na antabayanan po kayo. Let me lead you to the private room."

"Thank you." sinundan niya ang waiter sa tinatahak nitong daan. Nilibot niya ang paningin sa restau ni Jeremie. Marami ngang kumakain.


Well, what do you expect? It's Jeremie after all.

"Here you are ma'am. Goodluck po sa family dinner niyo." nakangiting sabi nito.

Nagtaka naman si Colyn kung ano ang tinutukoy ng waiter pero binalewala nalang niya, kaya naman nakangiti siyang pumasok sa loob ng private room.

Much to what she expected, gulat siyang napatigil sa pagpasok nang makita kung sino man ang mga nasa loob.

Agad siyang nakabawi at binati ang parents ni Jeremie at si Caira.

"Good evening tita,tito,Caira"

Halata rin ang gulat sa mga mukha ng mga ito. Pwera sa tatay ni Jeremie na seryoso lang ang ekspresyon. Si Jeremie naman halatang nagulat sa biglaang pagdating niya.

Pero teka? Siya nga ba ang pabigla-bigla ng dating o ang magulang nito at si Caira? Dapat na ba siyang umalis? Mukhang wrong timing kasi siya eh.


"Colyn." agad siyang pinuntahan ni Jeremie at agad na hinawakan ang kanyang kamay. Hinigpitan ni Jeremie ang hawak sa kamay niya na para bang ina-assure siya. She looked at him and saw him looking at her too.

Nginitian niya ito at ginantihan ng paghawak ng mahigpit sa kamay nito na para bang sinasabi na kaya nilang dalawa ito.


"Ma,Pa.. si Colyn ang date ko." deklara ni Jeremie.

Tahimik lang ang mga nasa loob. Walang nagsasalita, tinignan ni Colyn si Jeremie, seryoso rin itong nakatingin sa mga magulang nito at kay Caira habang ang papa nito ay seryoso rin. Ang mama naman nito ay nakahalukipkip lang at halata ang irita sa ekspresyon nito. Si Caira naman ay tahimik sa tabi ng mama ni Jeremie.


"Halika na at may date ang anak mo." sabi ng papa ni Jeremie.

"Ano ka ba Jerald! Hindi naman siguro masama kung sabayan na natin sila sa pagkain. Okay lang ba sa iyo Colyn?"

Tinignan siya ng mama ni Jeremie. Kung dati takot siya rito sa konting tingin lang nito sakanya, ngayon hindi alam ni Colyn kung saan na napunta ang takot na iyon, at sana lang huwag ng bumalik. Nginitian niya ang mama ni Jeremie.

"Sure tita, tamang-tama may bagong dish si Jeremie." nakangiting sagot niya.


"We know, kaya nga kami nandito." mataray na sabi ng mama nito.


"I thought so." she replied still smiling.


Magsasalita pa sana ang mama ni Jeremie ng pigilan na ito ng asawa nito. Si Jeremie naman ay nagpadagdag ng tatlo pang plato at upuan sa private room.

Umupo siya sa tabi ni Jeremie, siyempre. Habang nasa tapat naman nilang dalawa ang mga magulang nito at si Caira.

Nang mai-serve na ang meal nila ay tahimik lang silang kumain. Dahil gutom narin si Colyn ay masigla siyang kumain, she really feels good today. At hindi niya alam kung bakit.


The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon