Thirty seven

76.3K 1.3K 27
                                    



Dumiretso si Colyn sa bahay ni Jeremie matapos nila mag-usap ni Caira. Nag-taxi lang siya papunta sa bahay dahil hindi niya iniwan ang kotse niya sa airport.

"Wala po rito si Sir, Ms. Colyn.." sagot sakanya ng kasambahay ni Jeremie nang nagtanong siya kung nasaan ang amo nito. Nadatnan niya itong nagdidilig sa labas.


"Ah, ganoon ba? Pwedeng paiwan nalang ang mga ito diyan? Babalikan ko mamaya." tukoy niya sa maletang dala niya.


"Ay, opo. Akin na ho, ipapasok ko sa loob."

Binigay na niya rito ang maleta niya at nagpaalam ng umalis. Pumara ulit siya ng taxi.


"Saan ho tayo ma'am?" tanong sakanya ng driver.

Shoot! Saan nga ba niya hahanapin si Jeremie? Ang daming restaurant at bars nun na nagkalat sa Metro Manila. Saan ba naglulungga ang lalaking iyon ng ganito kaaga?


"Sa Santillan's po." sabi niya.


Actually, pwede naman niyang tawagan o itext si Jeremie at ang mga kaibigan nito. Hindi siya tanga para hindi isipin iyon, pero gusto niya kasing sorpresa ang pagbalik niya.


Nakarating sila sa Santillan's at bigo nanaman siyang mahanap roon si Jeremiah. Jusko naman! Pagod na siya, ni hindi pa siya kumakain!

Ano ba naman ito! Pahirap itong lalaking ito ah!

Umupo muna si Colyn sa customer's waiting area. Nag-iisip siya kung saan pa pwedeng nagkukulong si Jeremie. At bigla nalang parang umilaw ang bumbilya sa tuktok ng ulo niya. Bakit ba hindi niya naisip iyon?!

Agad agad siyang pumara ulit ng taxi. "Sa Hilson Tower Heights po."


Wala pang dalawampung minuto ay nakarating na siya sa condo ni Jeremie. Pagkasakay ng elevator, agad nagsipasukan ang mga tanong sa isip niya. She needs answers. Gusto niyang maliwanagan. Bakit nga ba sila naghiwalay ni Jeremie? May kutob si Colyn na may iba pang dahilan..


Jeremie gave her the combination of his condo, kaya naman agad niyang tinype iyon at bumukas na ang pinto. Pumasok siya sa loob, finding Jeremie lying on the sofa sleeping.. ang gulo ng sala niya! There were empty cans of beer scattered on the floor and on the table.. may mga balot rin ng chips na nakakalat. Ano'ng problema nito?

Nilapag niya ang bag niya sa bar counter ng kusina nito at napabuga nalang ng hininga. "Looks like I'm gonna clean this up." sabi niya sa sarili.


Matapos pulutin at itapon ang mga kalat ni Jeremie sa basurahan. Nagluto si Colyn ng mainit na crab and corn soup. Ayaw niyang magpakahirap sa pagluluto, ano! She expects that Jeremie will cook for her not the other way around.

Inilagay niya ito sa bowl at kumuha din ng gamot para sa hang-over at inilagay iyon sa kitchen table nito. Nang madaanan niya si Jeremie ay mahimbing na natutulog pa ito. Naramdaman tuloy niya ang matinding pagod, kaya naman pumasok siya sa loob ng kwarto ni Jeremie at natulog sa kama nito. "Ah..I'm home." sabi niya sa sarili bago nakatulog.

---

Nagising si Jeremie na sapo ang ulo. Nag-iinom siya kagabi dahil sa komprontasyon nila ni Caira. At dito niya napiling magpakalasing sa condo niya. Tinignan niya ang oras. 8:37am. Maaga pa.. pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig nang mapansin niyang may isang bowl ng soup sa kitchen table niya. May gamot rin itong kasama. May nanloob ba sa condo niya? He doesn't remember that he cooked.

Inilapag niya ang baso sa bar counter nang mapansin ulit na may bag roon. Bag ng babae, wait.. ngayon ang uwi ni Colyn.. pero ang sabi nito ay gabi pa ang dating nito..pero could it be possible?..

Agad siyang pumasok sa kwarto niya at nadatnan ang tulog na si Colyn sa kama niya. She's here! Gusto niya itong yakapin at halikan pero halatang pagod ito sa byahe. Kaya naman nilapitan nalang niya ito para halikan sa noo at iayos ang kumot nito. Dahan-dahan siyang lumabas at isinara ang pinto.

Napansin din niyang malinis na ang sala niya. And he assumed that Colyn is behind that. Masaya niyang inubos ang soup na ginawa nito para sakanya at uminom na ng gamot. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maghanda para sa lulutuin niya. He wants to make something special for Colyn.

Naalimpungatan si Colyn sa kanyang tulog. Feeling niya kasi may nakatingin sakanya.. and true enough. May isang gwapong lalaki na nasa gilid niya na prenteng nakaupo sa one seater couch at nakatitig sakanya. Nang nginitian niya ito ay mabilis na tumayo si Jeremie at inatake ang labi niya.

Pumatong ito sakanya nang tugunin niya ang halik nito, he used his elbows to support his weight at ang mga kamay naman niya ay pumulupot sa leeg nito. Lasap na lasap ni Colyn ang mint mouthwash na ginagamit nito. Halatang bagong ligo si Jeremie dahil medyo basa pa ang buhok nito. Pareho nilang habol ang hininga nang magbitaw sila sa halik.

Jeremie is just staring at her intently. "God, I missed you! So much.." bulong nito sakanya.

Hindi siya sumagot but instead niyakap nalang niya ito.

"Get up, nagluto ako. I know you're hungry....for food." he chuckled at the last thing he said. Pinalo nalang niya ito sa likod at tinulak ito para umalis sa ibabaw niya.

Ganadong-ganado si Colyn sa pagkain, gutom na talaga kasi siya plus ang sarap pa ng luto ng damuhong ito.

"Sarap ba?" tanong nito.

"Alam mo naman kung ano sagot ko." she rolled her eyes.

Pagkatapos nilang kumain ay nagprisinta si Jeremie na maghugas. Hindi na siya umalma dahil pagod din siya kaya umupo nalang siya sa sofa at nanuod ng tv.

Sa kalagitnaan ng kanyang panonood, naramdaman niyang pumulupot ang braso ni Jeremie sa beywang niya at hinalik-halikan siya sa leeg pababa sa balikat niya.

"I missed you.." bulong nito.

"Kasasabi mo lang."

Tumawa nalang ito at nanatiling nakayakap sakanya. Hindi na makapaghintay si Colyn kaya naman pinatay niya ang tv at tinignan si Jeremie.

"Nagkita kami ni Caira kanina.."

Halata ang gulat sa mukha ni Jeremie. "Sa airport? Bakit?"

"She's leaving..hindi mo ba alam?" takang tanong niya.

"What?! No!"

"At may sinabi siya sa'kin..na ako ang pinili mo over her. Kahit na ayaw ng parents mo sakin, still you fought for me."

"You're worth fighting for." He kissed her cheek.

Kinalas niya ang pagkakayakap sakanya ni Jeremie at hinarap ito ng seryoso. "Pero hindi lang iyon ang sinabi niya..tell me Jeremie, bakit ka nga ba nakipagdivorce sa'kin? I want the truth.." naiiyak na tanong niya.

Jeremie knows that this would come.. pero hindi niya inakala na mapapaaga. Matagal niya itong itinago..miski sa mga kaibigan niya hindi niya ito isinama sa kwento niya. Bumuntong-hininga nalang siya at hinawakan ang kamay ni Colyn. She deserves to know anyway.

"Kasi..pinagbantaan ako nila Mama na gigipitin kayo ng tita mo sa States if I don't file a divorce. You know how powerful my Dad's company, kayang-kaya nilang gawin yun. At alam kong marami ka pang pangarap noon, then narealized ko rin na tama lang, dahil totoong bata pa nga tayo noon, maraming mga pangarap..Colyn..I swear.. minahal kita ng totoo..you made me who I am today, dahil sa'yo natuto akong sundin kung ano ang nagpapasaya sa akin..please don't hate me..hindi ko makakaya.."

Iyak lang ng iyak si Colyn. She was saddened by the thought that his parents were the reason kung bakit sila nagkahiwalay pero bakit pa nga ba niya aalalahanin ang nakaraan kung ang dapat pagtuunan ay ang kasulukuyan? She held his face and kiss him on his lips.


"Three days, Jeremie. From that three days, narealize kong sa'yo lang ako sasaya. Kasi ikaw lang ang mahal ko. Noon hanggang ngayon."

Jeremie scooped her in his arms.

Now, Colyn needs to know why Jeremie's parents hate her. At ngayon niya iyon malalaman.

-----
Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon