Thirty nine

78.8K 1.2K 22
                                    


Hinabol ni Jeremie ang sasakyan ni Colyn pero mabilis lang ito nawala sa paningin niya. Hindi niya maintindihan ang ginawa ni Colyn. Bakit siya nito tinanggihan? Akala niya ba mahal siya niyo? Kasasabi pa nga lang niya 'di ba?




"Aaahhhhh!!" pinalo-palo niya ang manibela dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Ganito ba? Ganito ba kasakit nang iwan niya si Colyn noon? Kaya ba siya iniwan ni Colyn dahil gumaganti ito?


"Hindi..hindi..HINDI!!"

Pilit niyang winawaglit sa isip niya na baka naghihiganti lang sakanya si Colyn.

Mahal siya nito. Sinabi ni Colyn mismo iyon. Mula mismo sa bibig nito, at nararamdaman niya mismo na totoong mahal siya ni Colyn. Pero bakit siya nito tinanggihan?


Tatlong oras na siyang naghahanap kay Colyn pero hindi niya parin ito makita. Pinagtanungan na niya lahat ng kaibigan nito. Pati ang barkada ay hindi alam kung nasaan ito. Lahat ng botiques ni Colyn ay dinaanan narin niya pero ang sabi ay hindi daw nadaan doon ang boss nila.

"Nasaan ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Jeremie sa sarili niya. Patay ang phone ni Colyn kaya hindi rin niya ma-contact.

Nag-ring ang phone niya ilang saglit. Dali dali niya itong sinagot na baka sakaling si Colyn ang tumatawag. "Hello? Colyn?"

"Hello pare. Hindi talaga namin mahanap si Colyn..ipagpabukas mo nalang rin. Baka gusto lang nun mapag-isa. Makapag-isip-isip.. madaling araw na, magpahinga ka narin." Si Dylan ang tumawag. Pati sila Vin,Marco at Mico ay naghahanap rin.


"Sige 'pre..salamat."

Pagkababa niya ng phone dumiretso na siya ng uwi sa condo niya. Gusto niyang mapag-isa. Ayaw niyang magpaistorbo. Tutal silang dalawa lang ni Colyn ang nakakaalam ng condo niya.

Fuck! Nasaan ka na ba Colyn?

Siguro nga, kailangan lang nito ng oras at space mula sakanya. Kung iyon ang kailangan nito, ibibigay niya iyon.

----

Dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi parin nagpapakita at nagpaparamdam si Colyn. Miski kela Erin at Mitch ay hindi ito nagpaparamdam. Out of reach parin ang phone nito. Sobrang nag-aalala na si Jeremie. Na baka kung ano na ang nangyari rito.

"Jere, tama na iyan.." mahinahong pigil sakanya ni Vin na kasama niya ngayon sa bar. Hindi kasi pwede ang tatlo dahil may kanya-kanyang lakad.

"Ang sakit gago! Tangna, ang sakit maiwanan. Mahal ko siya eh..pero bakit niya ako iniwan?"

"I'm sure may dahilan si Colyn..hintayin mo lang siya.."

"Dahilan? Hintayin? Pucha! Vin, ilang taon na akong naghintay!!"

Kanina pa nakikinig si Vin sa kaibigan. Naiintindihan niya ito. Masakit ang maiwanan. Nandito sila sa isang bar malayo-layo sa vicinity ng lugar nila. Napadpad sila rito sa kakahanap kay Colyn. Kaya naisipang uminom nitong si Jeremie.


"Ano ba?!" napalingon si Vin sa dalawang babaeng nagsisigawan. Mukhang nabangga ng babaeng nakayuko yung isang babae kaya natapon ang inumin nito.

"Sorry miss.." mahinang usal ni..Colyn??!!

"Tanga mo kasi!"

Akmang sasampalin na sana ng babae si Colyn pero napigilan ito ni Jeremie. Hindi napansin ni Vin na wala na sa tabi niya si Jeremie. Mukhang, tapos na ang paghahanap nila.

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon