Chapter 11: Sorry

204 13 5
                                    




❇❇❇❇❇❇❇❇❇
KALI's POV:

Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba, aware man sila o hindi sa presensya ko. Pero bakit sobra akong nako-curious ngayon?

Gusto kong tumalikod na at hintayin na lang ang paglabas ni Jam pero ayaw sumunod ng mga paa ko sa sinasabi ng utak ko na lumakad na.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nakinig na lang ako at nag observe.

Nakatayo lang ako at nakasilip sa nakaawang na pinto, hinawakan ko pa ang doorknob para hindi ito tuluyang bumukas.

"Ano ba mga babe? Denver has nothing to do with this! Namimiss ko lang kayo talaga.. And si Mommy at yung dalawang makukulit. Wala lang to, hayaan nyo lang ako.." Sabi pa ni Jam na muli ay halatang nagpipigil ng luha.

"Jammi, kay Denver the devil lang namumugto ng ganyan ang mga mata mo! At matagal na nung huli mo syang iniyakan." Dinig kong sabi ng isang boses babae.

"Naalala mo nanaman ba siya? Or sina Thea at..."

"Guys, ayos nga lang ako." Putol ni Jam sa sinasabi nung isa pang nagsasalita, boses lalaki naman iyon pero halatang bading.

"Ayos? Mugto yang mata mo, ayos? What are we here for as your friends kung di mo samin ipapaalam kung may pinagdadaanan ka?"
Sabi ulit nung babae. Halatang nag aalala ito.

"Fine! Nasugatan kasi ako kanina, makirot pa. Alam nyo namang may pagka clumsy ako diba?" Sagot nito. Hindi na ito nag elaborate ng totoong nangyari. Parang ayaw nyang malaman iyon ng mga kaibigan nya.

Pilit mang tinatago ang sakit na nararamdaman sa kabila ng pigil na pigil ding paghikbi. At gaya ng dati, kagat kagat nanaman nito ang mga labi. Tuluyan pa ring pumatak ang mga luha nito.

Shit!! It breaks my heart seeing her cry! Knowing I was the reason. Kung ibang tao ka lang Kali! Susuntukin talaga kita sa mukha! Pagalit ko sa sarili ko.

At dahil sa inis ko sa sarili ko, wala sa sariling naiumpog ko ang ulo ko sa mismong pinto ng kwarto nina Jam.

Dahilan para mapapitlag ito sa gulat. Napalingon ito sa akin at halatang nagtaka. Dinig ko pang nagtanong ang mga kausap nito kung ano daw yung kumalabog.

Malakas kasi yung pagkakaumpog ko sa sarili ko. Medyo nakaramdam ako ng sakit pero di ko na ininda. Napako din kasi ang mga mata ko kay Jam na nakatingin din sa akin.

Nalintikan na! Anong gagawin ko?!! Nahuli nya akong nakikinig sa usapan nila! Naku baka lalo syang magalit sa akin nito! Wag naman sana! Sabi ko sa sarili ko.

At dahil wala na rin naman akong choice, nag isip na lang ako ng maaaring sabihin. Inayos ko muna ang buhok ko bago nagsalita.

"Hi! Ahm.. pu..puwede bang... Ah..."
Bwisit! Bakit ako nauutal?? Bakit kumakabog yung dibdib ko? Kali umayos ka! Nakakahiya ka!! Muli ay sermon ng utak ko dahil sa hindi ko matapos tapos na pangungusap.

"Go Kali! Kaya mo yan!" Napalingon naman ako sa mga nagcheer! Nakaupo yung apat sa may couch habang pinanonood akong parang baliw na nakatayo sa may pinto na ulo ko lang ang nakadungaw sa kwarto ni Jam.

Hawak ko pa rin kasi yung bulaklak at chocolate sa kabilang kamay pero ayaw ko munang ipakita sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago muling nilingon si Jam. Nakatingin pa rin ito sa akin.

Hindi ko makita ang galit sa mga mata nya. Pero nandun yung hinanakit.

"Pwede ba tayong mag usap? Please Jam? Kahit sandali lang." Mahina kong sabi. Sa wakas ay hindi na ako nauutal.

A Half More Than A WholeWhere stories live. Discover now