Chapter 12: Iwas Mode

259 12 3
                                    

Guys..thank you ulit ng very mucho sa pagbabasa.. kahit sluggish update.. super naaappreciate ko talaga yung pagtyatyaga nyo sa story ko!.. 😍😍😍

Sa mga nag add ng story sa RList nila.. thank you so much!.. 😄😍😘

Btw guys.. remember "Chapter 4: The Favor" ??? Yung 'Spanish' part?.. Dito kasi meron din eh!.. Pagkakataon nga naman talaga!!
Aheeeee!!!


❇❇❇❇❇❇❇❇
JAM's POV:

"I think I like you, I think... I think.."

Mga katagang binitawan ni Kali na pabalik balik sa utak ko.

Mahigit isang linggo na rin ang nakakaraan pero parang kanina lang nangyari ang lahat. Parang nauulinigan ko pa rin ang boses ni Kali nung sinabi nyang sa tingin nya raw ay gusto nya ako.

Hindi sya sigurado... Ibig sabihin... Haaaay!.. Pabulong na bulalas ko habang nakahiga at nakatalukbong ng kumot.

Ewan ko ba!!! Bakit parang nanghihinayang ako dun? Ang aga aga lungkot ang sumasalubong sa araw ko.

Si Kali kasi eh! Paninisi pa ng utak ko dito.

Napapikit na lang ako ng mariin. Sinubukan kong matulog muli dahil mag aalas singko pa lang ng umaga ng mapatingin ako sa wall clock. Pero hindi na ako dalawin ng antok.

Ang toto kasi, sa ilang araw nang nakalipas, nakaramdam ako ng pagkailang kay Kali. Hindi sa kung ano mang dahilan, kundi dahil sa katotohanang baka nga naaaliw lang sya sa akin kaya akala nya gusto nya ako. Kaya binuo ko ang desisyong umiwas dito.

Simula kasi nung nagkabati kami ay pinanindigan nito ang pangako nya na willing syang maging servant ko hanggang kailan ko gusto, pero sinabihan ko naman ito na hindi nya na kailangang gawin iyon. Pero nagpumilit pa rin sya kaya hinahayaan ko na lang.

At ang nakakainis, mas sweet ito at mas maasikaso ngayon.

Isa ring dahilan kaya lalong lumalala ang kantyawan ng mga kasama namin. Dumagdag pa itong si Rigz na halos napapanay din sa pagsama sa amin. Naging kaclose na talaga namin ito.

Pero sa tingin ko naman ay nagawa ko naman ng pasimple ang pag iwas dito.

Hindi na ako masyadong nakikihalubilo sa kanila. Apat na beses na rin akong hindi sumasabay sa pagbreakfast sa kanila. Dinadahilan ko na lang na may kailangan pa muna akong tawagan. Madalas pag nagkakape sa umaga, sinasadya kong kumain ng cupped noodles or kung ano mang food na pinamili namin sa grocery para maidahilan kong busog ako.

Kung mapasabay man ako para hindi mahalata ni Kali na iniiwasan ko sya ay mas hinaharap ko si Rigz at mas pinipili kong kausapin yung iba naming kasama.

At tamang excuse din yung sugat sa kamay ko para hindi ako makapagluto.

Meaning, walang kitchen moments! Singit nanaman ng makulit kong utak.

At muli ay may panghihinayang nanaman akong naramdaman.

Bakit ba kasi hindi ka sigurado???? Nakakaasar ka!!!! Aaaah!!!! Nakakainiiiis!!!!

Pabulong, pero nanggigigil kong sabi. Sabay baling ko sa unan at ito ang pinagdiskitahan ko.

"Naku Jam, kung tao lang yang unan, malamang namatay na yan sa higpit ng sakal mo!" Namumungay pa ang mga matang sabi ni Ate Dessa. Pagkuwa'y bumangon na ito at kinusot kusot pa ang mga mata.

A Half More Than A WholeWhere stories live. Discover now