Chapter 2: Why did you transfer?
Yuri Sandoval's Point of View
Second day of school.
Pagkababa ko mula sa dyip, nakasalubong ko ang isa sa mga bagong estudyante na naglalakad sa entrance: Si Kim, si Vince Kim. Ang pinaghihinalaan kong posibleng kalaro ko dati na hindi ko pa man lang nakakausap.
"Hi, Kim. Kamusta na? Ako yung kaklase mo sa 11-Asia na isa sa walong old student, si Sandoval. Pero kung pwede, Yuri na lang itawag mo sa akin." hindi na ako nahiya, kaya kinausap ko na siya.
"Hello, Yuri. Kung pwede rin, sana hindi niyo na ako tawagin by my last name kung hindi naman kayo mga guro, lalo na dahil ang last name ko ay parang pangalan, kaya kapag tinawag ako nun, lumalabas na ang pangalan ko ay Kim at hindi Vince. V na lang itawag niyo sa akin. Yuri, may sasabihin lang ako na hindi ko —" sabi naman niya ngunit pinutol ko na siya sa huli. Lalo ko siyang namukhaan ngayon na malapit na siya.
"Ikaw nga! Ikaw ang kalaro ko dati. Si V! Taga-rito ka rin sa lungsod na ito dati, bumalik ka lang."
"Yun din ang sasabihin ko, Yuri. Lumipat ako nang mabalitaan ko ang nangyari sa inyo, at nalaman ko rin na nag-aaral ka rito. Naging mabuti kang kaibigan sa akin. Gusto ko muli makipagkaibigan sa iyo."
"Ayos! May bago na rin kaming mga kaibigan, at isa ka roon! So ano masasabi mo sa mga kaklase natin?"
"Okay naman, nagiging maingay at madaldal, pero nakakatuwa kasi isang saway lang ni Magnifico, yung pangulo natin, tumatahimik na agad. Mga new students yun, pero masunurin na sila kahit medyo magulo."
"Ako rin, V. Yun din ang naiisip ko sa kanila. Naalala ko yung Castaño, yung nakakatakot na tahimik na pupunta sa dulo, dikit na dikit sa pader palagi. Tingin mo ba, may dark background yun? Kadalasan, ganun eh."
"Oo nga, siguro nga, Yuri. Eh yung dalawang kambal? Ay sorry, isa lang pala kasi yung isa magkapatid lang, eh. Katulad na ba sila ng Abear Brothers at Montgomery Sisters dati? Di ba sina Abear at Montgomery daw, may kakambal na patay na ngayon? Kasi nabalitaan ko, e."
"Oo. Joel at Noel saka LJ at Chachi sila. Nakakatuwa yung mga kambal na ito, yung tipong malilito ka palagi sa kanila at mala-loveteam ko yung dalawang kambal sa isa't isa."
"Ay, ganun. Sayang. So ibigsabihin, pwedeng i-loveteam yung Pangilinan Brothers at Hancher Twin Sisters?"
"Siguro, haha. May secret agent naman na para mag-spy sa mga bagay bagay tulad nito."
"Huh? Sino, Yuri?"
"Si 4A. Arnold Arvin Abear Ang, pinsan ni Noel Abear na medyo kamukha ni Joel kaya parang third twin brother na nila ito."
"Ah..yung si Ang na parang ewan, akala mo naman FBI, haha!"
"Haha. Tapos alam mo si Quinzel? Si Harleen Quinzel, kapangalan ni Harley Quinn. Big fan siguro mga magulang nun kay Harley Quinn, at nagkataon pang Quinzel apilido nung tatay. Wow talaga, noh?"
"Yup. Nakakagulat talaga ang malaking coincidence. Maraming mga kamag-anak daw ng mga kaklase niyo dati?"
"Oo. Bukod kay Ang, mayroon pang iba. Si Pamular din, kapatid ni Sophia. Ano ulit first name niya..Jerome. Yun. Isa yun. Si Sophia Pamular, kapatid niya, yun yung math wizard namin dati, pero noong praktis ng Moving Up Day, pagkauwi niya, nasakyan niya ang tricycle ng killer na patibong pala para sa kanya, nag-bail out ang killer mula sa tricycle, habang siya at ang tricycle ay nahulog sa dam, at nalunod na siya sa lalim nun."
"Ay grabe talaga ang nangyari sa inyo. Di ba sina Buenavantura at yung Sta Mesa..Sta Maria..blah blak bleh, ano nangyayari sa akin..sino ulit yun..Sta Juana rin? Pero si Sta Juana, pinsan ni Yukiko na buhay pa rin, kasama sa walong survivors?"
YOU ARE READING
Periodical Death Exam 2: HAUNTED
HorrorAfter surviving a horrific death game plotted by a killer, where their classmates are killed, AJ and his remaining friends carry on and adjust to a new environment with new classmates. However, they soon discover that they are haunted by mysterious...