Chapter 36: Camping without AJ, Part 3
AJ Magnifico's Point of View
Nakaka-badtrip na talaga. Hindi na nga ako pinasama sa camping, tapos hindi pa nabayaran yung internet saka landline namin, at kumpiskado pa talaga sa akin ang cell phone ko. Away sila ng away, grabe! Family problems, family problems!
**FLASHBACK**
Kanina..
Nasa kwarto lang ako, nakahiga sa kama, walang magawa..
Rinig na rinig ko ang away ng mga magulang ko.
"Grabe ka, Marcus Anthony! Niloko mo ako dati! Nalaman ko na rin!" sabi ng mama ko, si Jonnalyn Nailyn Duhaylungsod-Magnifico sa papa kong si Marcus Anthony Lumunsad Magnifico.
"Hun! Gusto ko lang naman sa iyo ibunyag na rin as a gift ngayong seventeenth anniversary natin. Sabi ko nga, huwag ka magagalit, eh! Komplikado kasi at alam kong maiintindihan mo." sabi naman ni papa.
Sinapak naman siya ni mama.
"MAY ANAK KA SA IBA! BAGO PA KAY AJ! AT SA KRIMINAL NA BABAE PA! SABI MO NOON, AKO ANG UNA MONG BABAE AT SI AJ ANG UNA MONG ANAK SA LAHAT! PERO HINDI, SINUNGALING! AT PALIHIM MO PA LANG BINIBISITA ANG PAMILYA NILA, G*GO KA!!!" nilabas ni mama ang galit niya.
"Hun, please, intindihin mo. Mahirap. Mahirap. Lalo na't lahing kriminal yung mga yun. Pilit na kinakalimutan ko na kasi yun makalipas ang limang taon hanggang sa mahanap kita, at nagkaroon agad tayo ng Antonio Jonathan." tugon ni papa.
"Kinalimutan? Eh binibisita mo nga ng palihim! Ano kaya yun?!"
"Nang binibisita ko siya, nalalaman kong iba siya. Kriminal siya. Namana niya ang talino niya mula sa akin, pero ang pagiging kriminal, sa nanay niya na yun, kay Victoria. Kaya pilit na tinatago ko talaga ito, ganon kahirap."
"Ayoko na, Marcus, ayoko na. Ni-hindi mo nga pinakilala ang kapatid ni AJ sa ibang nanay sa amin, at lalo na kay AJ mismo!"
"Jonnalyn. Nalaman ko lang, ang anak ko na yun ay at si AJ ay magkakilala na pala. At hindi maganda ang karanasan nila sa isa't isa. At alam mo ang nakakaiyak? Patay na siya. At ang pumatay daw, ay si —"
"PUT*NGINA, AYOKO NA, MARCUS!!! SIGE, MAG-SINUNGALING KA PA!!! LUMAYAS KA NA LANG!"
Nagbasag na ng mga pinggan at baso si mama sa sobrang galit.
"Tama. Maganda kung lalayas na lang ako. Sawang sawa na rin ako sa iyong hindi nakakaintindi sa akin!!!" pagpapasya ni papang lumayas na.
**END OF FLASHBACK**
Nagulat talaga ako rito. May kapatid ako? Mas matanda sa akin ng limang taon? Sino? Hindi ko man lang matanong sa kanila.
Patay na raw siya. Sino ba siya? Baka pwede ako magpatulong sa mga katulad ni Anna at tawagin siya? Sino nga? At nagkakilala na raw kami? Huh? Sino ba? Sino ba ang dalawang-put dalawang taong gulang na nakilala ko na biglang namatay?
Teka. Hindi kaya si..ay huwag na lang pala. Ayoko yun isipin.
Si mama ay palihim na umalis, tinago sa akin. Kadalasan kapag ganitong nag-aaway sila ni papa, pumupunta siya sa bahay nina lolo't lola, ang mga magulang niya.
Wala akong magawa buong araw. Walang wifi, walang cell phone, pero mayroon naman palang telebisyon. Nagbabad na lang ako sa panonood habang nasa kama. Ako na lang naghanap ng paraan para sa mga kakainin ko. Nilagay ko na lang sa microwave yung mga niluto nila kanina na para sa tanghalian at hapunan ko.
YOU ARE READING
Periodical Death Exam 2: HAUNTED
HorrorAfter surviving a horrific death game plotted by a killer, where their classmates are killed, AJ and his remaining friends carry on and adjust to a new environment with new classmates. However, they soon discover that they are haunted by mysterious...