Chapter Thirty-Nine

13.9K 442 30
                                    

Hello! I'm inviting you, together with the other admins to join our fb page. Kakasimula pa lang so wala pang masyadong member. Par maging updated na rin kayo. Don't worry, may mga privileges naman ang mga magho-join doon. Pakibasa nalang yung pinned post. Salamat sa mga nag-join na at sa mga magjo-join palang. Pag naka-100 members na tayo sa group, may ipo-post akong short story. :)

FB Group link: (nasa wattpad profile ko rin po ito, sa latest post ko)
https://m.facebook.com/groups/328450067513749?view=permalink&id=331750260517063&ref=bookmarks

Chapter Thirty-Nine

"CONGRATULATIONS PRINCESS!"

Paulit ulit na bati sa kaniya ng malalapit na kaibigan ng daddy niya at ng mga anak ng mga ito. Hindi na nga siya makadala sa dami ng boquet ng iba't ibang bulaklak na hawak niya.

Bawat bumati sa kaniya ay sinusuklian na lamang niya ng ngiti o kaya naman ay tango dahil sa totoo lang ay gusto na niyang matapos ang araw na iyon. Gusto niyang mabilis na matapos ang bawat araw simula noong araw na umalis si Leandro pitong buwan na ang nakakalipas.

Mula nang araw na iyon ay mas ginugol niya ang bawat oras sa pag-aaral o di kaya naman ay sa pag-eensayo ng martial arts at target shooting. Wala siyang inaksayang oras, minuto at kahit segundo.

At dahil tatlo sila nila Elle at Dash na sabay gumraduate ay ipinasyang sa isang venue na lamang ganapin ang selebrasyon — sa Isla na pag-aari ng Tito Irving niya.

"The choppers are ready. Ang sabi ni Dad, naroon na raw iyong iba sa Island at kasya na tayo sa dalawang chopper but I doubt that since may mga humabol." Anang pinsan niyang si Theon sa kanila ng Daddy at Mommy niya.

"Drae, how about your company chopper?" Anang mommy niya.

"It's available pero wala ang pilot. And among us, si Irving at Terence lang ang marunong magpalipad ng chopper. Siguro balikan nalang iyong iba para mabilis makarating. Bukas pa naman ang handaan."

Thea raised her hand. "I think I know someone who can help us." She dialed Ken's number after handling the bouquet of flowers to her brothers.

"Yes, Queen? Ano'ng maipaglilingkod ng poging si Ken?"

She rolled her eyes. "Marunong ka magpalipad ng helicopter?"

"Iyon lang ba?" Tapos ay tumawa ito sa kabilang linya. "Nasaan ba iyong chopper? Ako na ang bahala. Just send me the location."

"Thank you." Ngumiti siya sa mga kaharap. "Problem solved. Let's go?"

Nagkanya kanya na sila ng sakay sa kotse para pumunta sa location kung nasaan ang mga chopper. Ang iba ay sa rooftop ng Kho Empire ang destinasyon, mayroon din na sa Monroe's rooftop at sila ay pinili na sa company chopper ng daddy niya sumakay kung saan si Ken ang magiging piloto nila.

Silang buong pamilya ang laman ng huling chopper at ang pinsan niyang si Theon. Dumaan pa sila sa bahay nila para makapagpalit siya ng mas komportableng damit. Okay lang naman na mahuli sila dahil siguradong ihahanda pa ni Ken ang chopper.

"Sino pala ang pilot natin?" Biglang tanong ni Theon habang paakyat na sila sa helipad ng company ng daddy niya.

"Si Ken." Walang gana niyang sagot. Kilala na ng mga ito sila Ken at ang iba pa bilang mga kaibigan niya na nakilala niya sa ibang bansa. They didn't asked for more information lalo na at nakasundo naman ang mga ito.

"What? Ang alam ko ay hindi marunong si Ken. Are you sure na si Ken ang pilot, Princess? Sa kanilang pito ay dalawa lang ang alam kong marunong magpalipat ng helicopter and it's either Richard or —"

Princess No More (Self-Published)Where stories live. Discover now