EPISODE 20: FINALS

1.9K 29 0
                                    


NORINE'S POV:

Unforgettable ang enchanted kingdom trip namin ni Quenzie at halos hindi ako naka tulog nung gabi na pag ka uwi namin. Madalas akong mapahawak sa labi ko at naalala yung halik na nangyari sa pagitan naming dalawa. Ilang araw ako nun hindi pina tulog.

Kinuwento ko kay Joyce ang lahat ng nangyari pati yung kiss. Medyo nag tatampo pa daw ito at hindi siya isinama.

"Hala girl ang swerte mo, imagine mo si Quenzie Chase de Dorigo yun, anak ng pinaka mayamang businessman dito sa Pilipinas at may ari ng madaming restaurants" kinikilig na sabi nito.

"Hindi ko nga maexplain Joyce ang nararamdaman ko pag kasama ko siya eh, iba talaga, naguguuluhan nga ako" sabi ko kay Joyce habang nag babasa ng notes. Finals na kasi.

"My friend baka inlove ka na" derechong sabi niya.

"What inlove agad?" gulat kong sabi.

"Deny pa, kahit halata naman sayo" aniya.

"Ayaw ko pa ulit mainlove. After what had happened" malungkot kong sabi.

Naikwento ko na dito ang nangyari sa amin ni George at sinabi niya na tama daw ang ginawa ko na iwan siya. Wag nga daw yung mag papakita sa kaniya at kahit bakla siya ay susuntukin niya iyon. Hindi na din bumalik pa si George sa apartment at pinag pa salamat ko iyon.

Pero simula ng may nangyari samin ni Quenzie nuon ay hindi na sumagi sa isip ko si George, mas madalas siya ang naiisip ko.

Hindi ko na din tinago kay Joyce ang nangyari sa amin ni Quenzie at inexplain niya sakin na once daw nakuha ng isang lalaki ang pag kababae lalo pa at virgin ang babae ay nag kakaroon daw ng emotional attachment dun sa lalaki.

Hindi ko siya masyadong maintindihan pero binigyan niya ako ng nakaka tawang suggestion nung kinuwento ko sa kaniya yun. Dapat daw ay sundan namin ang nagyare sa amin para hindi na ganito ang nararamdaman ko.

Aba naman Once is enough. Hindi nga kami ni Quenzie.

Nag simula na kami mag take ng exam. After ng finals namin ay iinatyin ko lang ang result at uuwi muna ako sa Batangas para mag bakasyon.

Hindi ako nakapag review ng maayos nung mga nakaraang araw kasi ang dami kong iniisp. Kahit isa lang namang tao ang iniisip ko.

"Whooo, ang sakit ng brain ko sa exam na yun NJ" sigaw ni Joyce na nakahawak sa kaniyang ulo at minamasahe iyon.

"Hindi naman masyado, okay lang" sagot ko habang nag liligpit ng gamit ko.

"Lahat naman sayo beks ay madali lang eh." sabi nito sabay nguso.

Tinawanan ko lang siya. Binitbit ko na ang bag ko para makalabas na kami ng room at maka uwi. Pagkalabas namin ng room ay naka salubong namin si Quenzie.

"Where are you going guys?" tanong nito.

Si Joyce ang sumagot.

"Uuwi na" anito.

"Let's eat." yaya niya.

"Gora!" walang prenong sabi ni Joyce, hindi manlang nag pa kipot ng konti.

Hila hila niya ako habang naka sunod kay Quenzie. Pa punta kami ng parking lot.

"Busog pa ko Joyce, kayo nalang ni Quenzie" nakasimangot kong sagot.

"Hindi ako isasama niyan kung hindi ka kasama no, kaya halika na" at pinag tulakan ako pauna at sa sobrang lakas ng tulak niya ay nabangga ko ang likod ni Quenzie.

"Sorry" at tinaas ko ang aking kamay. Nginitian lang ako nito at binuksan ang pinto sa harapan.

Dali daling sumakay na si Joyce sa likod kaya naman no choice, dito ako sa harap kasi kung pareho kami sa likod mag mumukha naman si Quenzie na driver.

Ang gawpo naman niyang driver. Hindi bagay.

Ayan na naman ako kung ano ano iniisip.

Erase erase erase.

Nag drive na siya at dinala kami sa Vikings at duon kami kumain. Buffet style pala dito ang daming pag pipiliin. Nanlalaki ang mga mata ko sa dami ng options.

Again another first time from Quenzie Chase :)

"Eat all you can" sabi nito sakin na naka ngiti at pinauna ako sa table.

Kumuha ako ng dalawang plato para mapaglagyan ng pagkain. Halos naka tatlong balik ata ako sa table para kumuha ng pagkain.

"Sabi mo hindi ka nagugutom beks?" tawa ng tawa si Joyce.

Hindi ko siya inintindi habang inuubos ko nalang yung last piece of dessert ko.

"You are so addorable" at pinisil ni Quenzie ang ilong ko.

Inihatid na kami ni Quenzie pag uwi. Pagkapasok ko sa loob ng apartment ay nag linis na ako ng katawan at nag palit ng pang tulog. Bago ako humiga ay nag check muna ako ng phone at may nakita akong text dun galing sa unknown number.

** You never fail to amaze me.

Kahit hindi ko alam kung kaninong number yun pero may hinala ako kung sino nag text nito. Biglang tumibok na naman ng mabilis ang puso ko.

Ilang minuto kong tinitigan ang cellphone ko. Hindi ko alam ang irereply ko. Isinave ko nalang muna ang number niya.

Name: QUENZIE CHASE

Nag type ako sa cellphone. Kunyari hindi ko siya kilala.

** Who you?

After 1 minute

** Babe this is Quenzie

Wow ha, napapansin ko napapadalas na ang pag tawag nito sakin ng babe.

** Wow ha! Babe ka diyan.

Agad tong nag reply.

** Why you don't like it? How about loves?

Ano be yen hindi pa nga kami, hindi nga siya nanliligaw endearment agad? Ang bilis ha!

Hindi muna ako nag reply. Nag text ito ulit.

** I know you're thinking that I am too fast. I also want to take this slow but I really can't. I want you mine. All mine. Go to sleep, I know you are tired. Dream of me. :*

Ano daw? Hindi ko nagets dumudugo na naman ang ilong ko. Pero parang magandang tawagan yung mine.

Sa sobrang kabusugan nakatulog na ako ng hindi nag rereply sa kaniya.

I hope I see you in my dreams Quenzie

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please don't forget to vote and comment :)

Thank you for reading TORN :)

TORNWhere stories live. Discover now