EPISODE 23: DEMAIRU

2.3K 32 0
                                    


NORINE'S POV

Breath taking yun lang ang taninging word na maidedescribe ko sa isla na dinaungan ng yacht nina Quenzie. Maputing parang pulbo ang buhangin, sobrang linaw ng dagat at ang fresh ng hangin. Sa bandang gitna ng isla ay may isang malaking rest house na maraming wind chime may dalawang kubo sa harap nito na malapit sa dagat. Ang isang kubo ay walang dingding at may mga kurtina na naka bitin sa mga gilid nito at ang isa naman ay isang malaking kubo na may aircon.

Sosyal na kubo may aircon, bahay nga namin wala nun.

"Ang ganda" sabi ko kay Quenzie.

"I know" pero sa akin siya naka tingin.

Malayo palang ang dinig ko na ang sigaw ni Joyce. Patakbo itong lumalapit sa amin, kasama niya si Erwin, Eunice, Ana, Pearl at isang lalaki na hindi ko kilala. Hindi namin ito kaklase.

"Friend akala ko hindi ka na makaka sunod" niyakap ako ni Joyce.

If I know planado lahat ito. Tinaasan ko siya ng kilay at nag peace sign siya. Nag lakad kami pa punta sa may rest house.

"Sa inyo tong bahay Quenzie?" tanong ko habang namamanghang tinitingnan ang detalye ng bahay.

Modernized ito mula labas hanggang loob. Airconed ang buong bahay mula living room hanggang kitchen. Pang mayaman talaga.

"Ano ka ba Norine anong kung kanila tong bahay? Kanila tong buong isla" tatawa tawang sabi ni Paul.

Ha? Buong isla kanila? Gaano ba sila kayaman para maka bili ng sarili nilang isla? Napatungo ako sa pagka pahiya.

May lumapit na matandang babae sa amin na mukhang asawa ni Mang Celso dahil hinalikan niya iyon ng mag kita sila. Siya daw si Manang Linda ang katiwala ng rest house. Niyaya niya kaming kumain.

"Hindi talaga kami kumain hangga't hindi ka nadating Norine" sabi ni Joyce at niyakap yakap ako.

"Anong hindi nakain? Kanina mo pa kayang nilalantakan yang prutas. Tingnan mo yung saging kakalahati na" sabi ni Erwin.

Binatukan ito ni Joyce. Nag tawanan kaming lahat.

Nagsi upo na kami sa lamesa. Isang mahabang rectangular table iyon. Sa may dulo umupo si Quenzie nasa may kanan ko siya at sa kaliwa ko naman ay yung lalaki na hindi ko kilala. Sa tapat ko naman ay si Joyce na nilalandi si Erwin.

Siguro anak ito nina Manang Linda. Tinitigan ko ang mukha nito. Mukha namang hindi. Singkit ito at maputi mukhang may halong ibang lahi. Matangkad din ito na halos ka height ni Quenzie. Sa kutis palang at tindig halatang anak mayaman.

Baka kaibigan ni Quenzie, pero bakit hindi niya ipakilala?

"Babe" tawag sakin ni Quenzie.

Nag tilian sina Joyce.

"Babe daw oh" sabi ni Eunice.

Hinarap ko siya bago ako nag salita.

"Bakit?" angil kong sagot.

Mukhag nagulat siya sa sagot ko dahil napa buntong hininga ito.

Nilagyan ni Quenzie ang plato ko ng kanin at ng fried salmon at creamy vegetable.

"Eat, we had a long day. I know you're hungry" sabi nito.

Kumain na ako pero pa sulyap sulyap padin ako sa lalaking katabi ko, pano ba naman titig na titig ito sakin habang kumakain ako. May dumi ba ako sa mukha?

Hindi ko tuloy naubos ang pagkain. Nawalan ako ng gana.

"May HIMALA!!!" itinaas pa nito ang kamay niya na parang ginagaya si Vilma santos sa palabas nito dati.

TORNWhere stories live. Discover now