Chapter Twenty four

58.2K 2K 306
                                    


24: Transferees.
-

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawang revelation ni Chloe, kaya pala gano’n na lang kamisteryoso ang pagkatao niya. Kaya pala mabilis niyang nalaman na aberrant ako dahil kagaya ko rin siya. I really didn’t see that coming but thanks to her, itinigil na ni Lexy ang kahibangan niya.

“Erin, mauuna na ako ha? May kailangan pa akong i-abot sa faculty!” Sigaw ni Akira mula sa labas ng banyo.

“Oo sige, ingat.” Pinatay ko na ang shower at saka nagpatuyo ng katawan para makapagbihis na. Paglabas ko ng banyo ay agad kong binlower ang buhok ko pero agad ko ring itinigil dahil sa sa pag-ring ng phone ko. Message from unknown number?

Mauubusan ka rin ng swerte.” Kumunot lang ang noo ko sa nabasa ko. I even tried to call that number pero unattended na. Sino na naman kaya ang gagawa nito? Lexy? Red org? Should I change my number? Hindi naman gagana sa akin ‘yong threat na ganito kaya hahayaan ko na lang.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos at mabilis na pumasok sa klase.

“Xian.” Tawag ko nang makitang maliban sa ibang kaklase namin ay siya pa lang ang nandito sa classroom at wala ‘yong apat.

“Where’s the others?”

“Si Alex at Tyler tumutulong sa pag-aayos ng office ni Tito Axel, si Jester tinatamad daw. Gano’n din si Zero. Hindi ko maintindihan sa lalaking ‘yon, hindi rin niya ako masyadong kinakausap kapag nasa dorm.” Tumango lang ako at saka tumingin sa ibang direksyon.

Gustong-gusto ko sabihin kay Xian ang ginawang pag-confess sa akin ni Zero noong linggo pero ayoko siyang makitang masaktan. Hindi ko rin maintindihan pero ibang-iba talaga ang naramdaman ko sa pag-confess ni Xian sa pag-confess sa akin ni Zero.

“Xian! Xian!” Tumatakbong pumasok si Jester ng classroom. Akala ko ba tinatamad siya? Eh, bakit siya naka-uniform?

“Sila Josh, nandito sila. Dito na sila mag-aaral.” Dagdag pa niya, halatang nagulat din si Xian. Who’s Josh?

“Hoy huminahon ka nga. Sino ba ‘yong tinutukoy mo?” Tanong ko ngunit hindi niya ako pinansin. Hinatak niya lang si Xian papunta sa bintana kaya sumunod ako. ‘Yong mga lalaki sa convenience, ito na naman ako. Saan ko ba nakita ang iba sa kanila?

“Tama!” Sabay napalingon sa akin ‘yong dalawa dahil sa sinabi ko.

“Naalala ko na, sila ‘yong kasama niyo sumayaw no’ng junior high ‘di ba?”

“Teka, paano mo nalaman ‘yon?” Namumulang tanong ni Jester. Nahihiya ba siya? That was very unusual of him.

“Napanuod ko sa laptop ni Aki, kaaway niyo ‘yang mga ‘yan ‘di ba?” Tanong ko at saka binaling ulit ang tingin sa bintana. Mukhang nakita kami noong isa sa transferee, ‘yong lalaking humarang sa akin noon. Kinawayan niya kami at saka ngumisi.

Kasama ko sila Chloe nang mag-breaktime and for some strange reason, mas naging malapit kami sa isa’t isa. Kinikwento naman ni Akira kung paano nag-umpisa ‘yong klase nila kasama ‘yong mga transferee. Yeah, classmate niya ‘yong apat na lalaking ‘yon.

“Hi, Aki. Pakilala mo naman kami sa mga kasama mo.” Speaking of the devils.

“Ah, si Erin at Chloe.” Pakilala niya dahil magkaklase naman sila ni Kevin kaya sure ako na magkakakilala na rin sila.

“Si Josh.” Pakilala ni Akira roon sa lalaking humarang sa akin sa convenience. Tinignan ko naman yung tatlo.

 Tinignan ko naman yung tatlo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now