Five Minutes Later

10.5K 770 114
                                    

"Pwede na po ba?"

"NICOLETTE NAKAHARANG KA KASI! URONG!"

"Mary Ann, kalma. Hindi kailangang sumigaw. Niki, dun ka sa kabila mag-camera para hindi nahaharangan ang nanay mo sa panonood. Umayos na nga kayo o at mukhang nangangalay na si RJ sa pagluhod. Dean itaas mo kasi yang telepono para kita ng nanay lahat lahat."

"Sure ka na ba sa pinapasok mo, love? Hindi lang ako ang papakasalan mo. Buong pamilya ko din. Who, by the looks of it, are all starting to go insane. Sige na, RJ, ask me na."

"Tito? Tita? Game na po?"

"Hoy anong game? Hindi laruan yang si Menggay ko. Jusko Menggay bata ka pa anak. Hindi ka pa nga marunong magtupi ng damit mo eh tapos ayan o ikakasal ka na. Tapos magkaka-apo na ko. Ang bata ko pa para maging lola!"

"Ah eh excuse me lang naman Nay. May apo na po kayo. Si Matti po. Kalimutan daw ba? Magpipitong taon na po kayong lola. Ngayon pa kayo aapila."

"Bawal na pala magmoment ngayon. Hmpft. Sige na RJ, anak. Tanungin mo na si Menggay."

"Totoo ba yan guys? Pwede na magtanong si RJ? Totoong totoo na? Wala ng dadagdag sa drama? Okay na?"

"Uhm..."

"Yes Wowie? Este Mike."

"Tanong ko lang ulet. Yung reactions ng lahat ang kukunan ko ng video diba? Tapos si Ate Niki ang magvivideo sa inyo ni RJ? Tama?"

"Yep. Tama. Game na? Guys... ngalay na ngalay na si RJ..."

"I'm fine, Mahal. Don't worry about me."

"Go go go na!"

"Dali na. Sinapian na ng kaluluwa ni Ruffa Mae si Juday."

"Gags ka Meng."

"Huy ano ba! Dali na! May pupunta---"

"Hi Miss Maine, palitan ko na po yung surgi---"

"MAMAYA NA!"

"Hanep. Mendoza Family choir. Sabay sabay pati pagsigaw."

"Shut up and ask me to marry you. I love you, future husband."

"Menggay naman wala pa ngang tanong eh! Pinaglihi ka talaga sa atat! Hintayin mong tanungin ka!"

"Eh paano nga kong tatanungin ang gulo gulo nyo! Nung isang linggo pa nakaluhod tong si Ricardo! Kinapitan na ng talaba yung binti nya sa tagal niyong lumagay sa ayos. Dean! Itaas mo sabi yang telepono para makita ni Nanay lahat lahat! Mike dun ka sa bandang may pinto para sakop lahat sa video. Ate Niki, urong konti, tutok na tutok ka masyado baka pores na lang namin ni RJ ang makita dyan sa video mo. Tatay, yang ugat sa ulo mo kalmahan mo lang. Dean sinabi ng... babatuhin kita ng bedpan! Bilisan mo na kasi magtanong Ricardo. Nakatakbo na ko ng ilang marathon wala pa rin yung tanong!"

"Santissima."

"Ano na naman?!"

"Menggay..."

"ANO!?!"

"Yung legs mo."

"Nakakakabit pa rin sakin. Ano ngayon!?"

"Menggay, Mahal... you kicked your blanket off."

"What!?"

"Sinipa mo pababa yung hospital blanket mo. You moved your legs. Baby, you moved your legs."

"Eh ano naman ngayon kung nagaga--- PUTASHET! SORRY NAY TAY! SHET! SORRY ULIT PERO SHET! NAGAGALAW KO NA LEGS KO! RJ!! I CAN MOVE MY LEGS! I CAN WALK DOWN THE AISLE!"

Hanep self. Hashtag priorities. Talagang kasal pa rin nasa utak mo. Napaghahalataan ka neng.

*•*•*•*

Author's note: The next few updates will be longer but further apart because I really need to buckle down and finish Cheese...... and Wine. 💕

Pieces of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon