e n t i c e

4K 190 17
                                    

Pauwi na sina Maine at Alden nang ma-flat ang gulong ng tricycle. Kung saan konti lang ang tao at malabong makakuha sila ng gasolina.

"Anong nangyari..?" tanong ni Maine.

Naglakad-lakad si Alden upang makahiram ng pambomba ngunit wala siyang makita. Maliban sa highway sa kanto kung saan may mga jeepney na pwede nilang sakyan pabalik.

Napagdesisyunan ni Alden na umuwi muna at babalikan na lang niya ang trike dahil baka matagalan pa silang dalawa.

Nakatingin lang si Maine sa jeepney na para bang first time niya ito sa buongbuhay niya.

"Maine, tulaley? Ngayon ka lang ba nakakita ng jeep?" tanong ni Alden habang nakatitig kay Maine.

"Nakikita ko na sila before, pero may sarili kasi akong car sa bahay namin kaya never ko pa naranasan sumakay.."

"Yamanin si kras!" biro niya.

Hindi nagdalawang isip si Alden na hilahin si Maine patungo sa jeep upang maranasan niya ito.

"Teka saan tayo pupunta.."

"Patungong forever.."

"Forever agad?"

"Char! Forever na trapik. Assuming ka agad e..."


Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Maine habang tumatakbo silang dalawa.


♫♪Sukob na, halika na

Sabay tayo sa payong ko
Hawak ka, kapit pa
Sa payong ko, magkasama tayo  ♫♪

"Bilisan mo.."dugtong ni Alden

"Eto na nga oh.."

"Sige pa."

"Ayan na.. malapit na.."

Hindi mapigilan ni Maine ang ngumiti sa mga binibitawang salita ni Alden kaya para silang mga bata na masayang naghahabulan sa jeep habang magkahawak ang kamay.

Hindi sila napansin ng jeepney driver kaya hinabol nila ito dahil malapit na ring bumagsak ang ulan.

Hindi sila napansin ng jeepney driver kaya hinabol nila ito dahil malapit na ring bumagsak ang ulan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang bagal mo tumakbo kras, mas mabilis pang tumakbo ang puso kong nahuhulog na sa'yo.." banat ni Alden.


 ♫♪Hinding-hindi ka pababayaan na mag-isa sa ulan
Aalagaan, magtatawanan, wala na 'tong iwanan  ♫♪


"Ewan ko sa'yo Alden.."

Nang malapit na nilang maabutan ang jeep ay binuhat ni Alden si Maine upang ipasakay ito. Huminto na rin ang jeep para makasakay ang dalawa.

"Ang sweet niyo naman.." masayang sabi ng matanda nasa loob ng jeepney.

Wala silang inisip kundi ang sarili nila kaya maging si Maine ay naging tapat din sa nararamdaman niya. Niyakap niya si Alden dahil sa sobrang kakyutan nito.

My Bride Next Door #PrenupSerye (Completed)Where stories live. Discover now