w a r m t h

5.2K 178 17
                                    

Kamusta ang mga nalapastangan nating feelings kanina? HAHAHA

Kilig. Iyak. Tawa. Kilig. Inis. Galit. Tawa. Kilig.. ♥

DAHIL TAPOS NA ANG ALDUB WEDDING... ANO BA SUSUNOD? HAHAHAHAHA Alam na this! ♥

Babala from mchay101     : Ang susunod na mga eksena ay hindi angkop sa mga batang mambabasa. Mag-alsabalutan na kayo mga bes, habang hindi pa 'wet' ang lahat. 

From @yellowjazz:  Mga bes! rated spg ng beri light.😂 Bawal mag-imagine.😂✌ 

mchay101 :  Wala pong kinalaman si @yellowjazz sa update na 'to. I take all the blame and responsibility on this. 'Wag nyo po siyang aawayin.😅😛

@yellowjazz: Oo nga. Konti lang. Mga 2% na harot lang ganoin. Pabebe ako. HAHAHA

Thank you. ENJOY!

***

Naalimpungatan si Maine, sa biglang pagbukas ng bintana sa kwarto niya dala ng malakas na hampas ng hangin. Mabigat rin ang bagsak ng ulan sa labas, kasabay ng mabagsik na kulog at kidlat.

Biglang sinukluban ng takot si Maine at bigla siyang napatakbo papasok sa kwarto ni Alden, na ngayon ay mahimbing ng natutulog.

Natigilan muna siya, sa may pinto at nagdadalawang isip na tumabi sa nakakumot na binata.

Pero bigla nanamang kumulog at kumidlat, kaya napatalon ito sa gulat at dagling sumiksik pailalim sa kumot ng binata.

Naalimpungatan naman si Alden sa biglang pagtabi ng kung sino sa may paanan ng kama niya na mistulang pusa na nanginginig sa takot. Hindi naman sumagi sa isipan nito na si Maine ang tumabi na yun, bagkus nag-isip na isa itong multo.

Dala rin ng takot, biglang nagtalukbong ng kumot ang binata, dahilan para mahatak ang kumot na nakatakip sa nakabaluktot na si Maine sa may paanan niya.

Naghatakan sila ng naghatakan, hanggang sa mahulog si Maine sa kama. Tsaka lang natauhan si Alden, na hindi multo ang katabi niya.

"A..aray..my butt." Reklamo ni Maine, na nakaupo sa sahig habang sapo ang masakit niyang pwet.

"Maine?! Jusko ka! Anong ginagawa mo dyan?!" Gulat na tanong ni Alden sa dalaga, sabay inalalayan ito pa-upo sa kama.

"Huhuhu.. Ikaw kaya ang may kasalanan nito. Inaagawan mo ako ng kumot, nahulog tuloy ako. Nakakatakot kasi yung kulog."

"Sorry baby oil ko, akala ko kasi multo ka. Nakaputi ka pa man din. Takot ka pala sa kulog?"

"Oo, since I was a kid. Akala ko mao-overcome ko na siya as I grow old. Pero hanggang ngayon nga takot pa din ako. Sorry din. Napadpad ako dito, at naistorbo ko tulog mo. I just need someone to be with me..." Maluha-luha si Maine, habang nagku-kwento ito sa binata. Bigla namang na-awa dito so Alden kaya yinakap siya sideways.

"Ayus lang yun, ano ka ba? Sige na, dito kana matulog sa kama. Dun na lang ako sa sofa."

"Thanks, baby wipes. Pero...pwede tabi na lang tayo?"

"Oh my gulay! Pakisampal nga ako?!"

"Huh?"

"Sampalin mo lang ako."

Naguguluhan man at nawewerduhan si Maine sa binata, sumunod na lang siya dito at sinampal ito. Malakas.

"Aray! Lakas naman 'nun?!"

My Bride Next Door #PrenupSerye (Completed)Where stories live. Discover now