Chapter 26

2.2K 105 7
                                    


Hermione's POV

"Hala ate 'di tayo talo!"nagulat naman siya pero bigla ulit tumawa.

"HAHAHAHA I really like you Hermione"  sila Tito at Tita umiiling lang grabe 'di ko naman na lesbian si Ate Trina ang ganda pa naman niya.

"I'm not a lesbian Hermione" EH? Mind reader ba siya

"and I'm not a mind reader" hala! Pano niya nalalaman yung nasa isip ko

"Sadyang mabilis ka lang talaga basahin" madali lang ba talaga ako basahin sabe rin kase sakin ni Luke dati na mabilis ako basahin eh.

Tinignan ko sa tabi ko si Monster pero wala siya, inikot ko yung paningin ko pero sana 'di ko na lang pala ginawa yun kase I saw him talking and laughing with Diana. Nararamdaman ko na naman yung paninikip ng dibdib ko feeling ko anytme iiyak ako and di ko alam kung baket

"Hermione can I talk to you in private" nginitian ko si Ate Trina pero nagulat ako ng mga binulong siya sakin

"Don't smile if it hurts inside" eh? Hinila ako ni Ate Trina sa loob ng kwarto niya and namangha ako sa sobrang laki.

"Ano nga palang sasabihin mo  Ate Trina?" I ask ng hindi makatingin sakanya hindi ko alam kung bakit pero feeling ko binabasa niya na naman galawa ko

"Fake ang lahat" napatingin ako ng sabihin niya yung word na fake

"Hala ate alam mo na fake girlfriend lang ako ni Tyler para pagselosin si Diana?!" ngumisi si Ate Trina tsaka ko lang narealize na nadulas ako

"Hahahaha JOKE ONLY ATE!" I said with a peace sign

"Fake ang lahat pa lang sinasabe ko pero inunahan mo na agad ako. I'm right fake ang lahat kase I know na mahal pa rin ni Kurt si Diana" bigla na naman sumakit yung dibdib ko bwiset na dibdib to! Di kaya may TB ako? Kailangan ko ba magDOTS? Corny ko. " and base on your reaction nasasaktan ka sa pagpapanggap na ito kase may gusto ka sa kapatid ko" WHAT? Pati ba naman si Ate Trina pareho silang may tektek ni Doc

"You know Hermione I graduated psychology kaya marunong ako magbasa ng galaw ng isang tao and alam kong nasasaktan ka nung nalaman mong mahal pa rin ni Kurt si Diana let me tell you a story." Nakinig lang ako sa mga sinasabe ni Ate Trina 

"Noon may dalawang batang lalaki at may isang batang babae, yung tatlong yun laging magkasama hindi mapaghiwalay . Yung isang lalaki na papangalanan kong Ler ay may gusto dun sa babaeng papangalanan ko naman Yannah. Hindi alam ni Yannah na may gusto sakanya si Ler kaibigan lang ang turing niya dito ang gusto ni Yannah ay si Lulu ang pinsan ni Ler samantalang si Lulu ay may gusto kay Mimi na may gusto naman kay Ler oh diba Love square hahaha joke. Si Ler nangako siya sakanyang sarili na paglaki niya papakasalan niya si Yannah kaya sinabe niya agad kay Mimi na bestfriend niya yung pangako niya. Si Lulu naman ay may lakas na loob sabihin kay Mimi na may gusto siya dito pero tanging ngiti lang ang tugon ni Mimi dahil hindi niya alam ang sasabihin tapos narinig ni Yannah yung pagcoconfess ni Lulu kay Mimi kaya pumunta siya kay Ler tapos iyak siya ng iyak, awang awa si Ler kay Yannah kaya't nagalit siya kay Mimi na bestfriend niya. Sinabi niya dito na hindi na niya ito ituturing na bestfriend pero si Mimi ay umamin na may gusto siya kay Ler pero tinawanan lang siya ni Ler at sinabing hindi niya ito mamahalin kahit kailan. Iyak lang nang iyak si Mimi habang naglalakad ng may putok ng baril na umalingaw ngaw sa buong paligid lumabas sa malaking bahay si Ler, Yannah at Lulu at nakita nila ang kaibigan na may tama ng baril sa ulo.

Iyak lang ng iyak si Yannah si Lulu ay yakap yakap si Mimi at si Ler ay hindi alam ang kanyang gagawin, sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari sa kaibigan. Doon niya lang napagtanto na mahal niya ang bestfriend at tanging awa lang ang nararamdaman niya kay Yannah. Dumating ang mga ambulansya at dinala ang walang malay na si Mimi, hindi na sumama ang mga tatlong bata at nanatiling nakatulala sa sala nila Ler. Matapos ng insidenteng iyun wala na silang balita kay Mimi. Unti unti na ring nabura sa isipan nila si Mimi habang lumilipas ang panahon. Sumapit ng high school ang tatlo ng ligawan ni Ler si Yannah at sinagot niya naman ito. Samantalang si Lulu ay sobrang nasaktan pero lumipas ang mga taon ng makipaghiwalay si Yannah kay Ler at sinabing patawarin siya pero hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya kay Lulu. Hindi yun matanggap ni Ler kaya itinuring niyang kaaway si Lulu at yun ang dahilan kung bakit nangyari ito" di ko namalayan na nakanganga na pala ako ang haba kase nung kwento eh pero ako awang awa ako kay Mimi kase kinalimutan na siya nung mga kaibigan niya. Tsaka sakaknilang tatlo siya yung pinakanasaktan hay nako kawawang bata.

"Gusto mo bang malaman kung sino yung mga batang yun?" ani ni Ate Trina

"Opo sino po ba sila?"

"Sila ay----" naputo ang sasabihin ni Ate Trina ng may kumatok " Madam Trina pinapatawag na po kayo sa baba" ay pesteng yawa hindi na natuloy yung sasabihin ni Ate Trina

"Maybe hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman mo kung sino sila"

AYYY PAASA SI ATE TRINA!!!

My Contract Girlfriend (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant