Chap 49- Tyler is back

1K 40 6
                                    

Hermione’s POV

“CONGRATULATION!!!”  sabay-sabay sigaw ng lahat at nag-cheers

Nagkaroon kami ng maliit na salo-salo para sa masayang celebration ngayon. I’m so happy for my twin.

Sana lahat masaya no?

“Congrats Yanna babes! I’m so happy for you” naiiyak na sabi ko

“Thank you so much gorgeous bes!”

Halatang-halata kay Yanna na sobrang saya niya nayon. Kelan kaya ako magiging masaya ng katulad ng ganyan kay Yanna?

“INUMAN NA!!!” sigaw ni Bryle kaya sabay-sabay  namin ininom yung alak sa baso na hawak naming

“Baby huwag ka masyadong uminom ah” rinig kong sabi ni Gab kay Zonia

Tila nawala naman ako sa mood nung narinig ko yun. Nagsalin ulit ako ng alak sa baso at diretsong tinungga yun.

“Gatas! Dahan-dahan naman alam mo namang mabilis ka malasing” rinig kong sabi n Nicollo pero wala na kong pake

Halos nakadalawang bote na ko ng alak pero ‘di pa ko lasing ha! Hmp!

“Gatas tara na hatid na kita sa kwarto niyo.”

“Ayoko nga *hik* gushto ko dito *hik* ang ako” nagpumiglas ako sa pagkakahawak sakin ni Nicollo at uminom ulit ng isang baso

“HERMIONE!” rinig kong sigaw ni Harry

“yes bal? *hik* HIHIHIHI” bungisngis ko pa, pero bakit hindi ko na sila masyadong makita ang labo na

Pero hindi ako lasing ah

“LASING KA NA TARA NA” tinayo niya ko pero gaya ng ginawa ko kay Nicollo ay pumiglas lang ako

“ayoko nga *hik* hayaan mo ko kahit ngayon lang *hik* gushto ko makasama si Tyler *hik* diba Tyler?” Sabay tingin ko sa gilid ko pero hindi ko naman makita kung sino ‘tong tinitignan ko

“Kelan pa ko naging si Tyler? Si Bryle ‘to”

“EH? Nashaan ba ang Tyler ko?” inaninag kong mabuti kung nasaan si Tyler kahit medyo malabo ang mata ko, nakita ko siya sa likod ni Harry

“Hi Tyler *hik* I love you *hik*” sabi ko dito

Tyler’s POV

“Hi Tyler *hik* I love you *hik*”

Nakatulala lang ako ngayon kay Xandra na halatang lasing na. Hinawakan siya ng kambal niya ng muntikan na ‘tong matumba nung biglang tumayo.

Ang kulit mo talaga Xandra

Nakaalalay lang sakanya si Harry habang naglalakad ito papunta sa pwesto ko. Tahimik ang lahat at nakaabang lang sa gagawin ni Xandra

“Bakit sa harap ko pa kayo *hik* naghaharutan?! Alam niyo ba  na *hik* masakit yun” nagulat ako nung bigla niya kaming dinuro ni Zonia at biglang umiyak

“Ang sakit sakit! Sobrang *hik* sakit”

“Baby baby ba kayo! Bakit sanggol ba kayo ha? *hik* HAHAHAHAHA”

“Tyler bumalik ka na kasi sakin. Aamin pa ko na mahal kita oh pero iniwan mo naman ako agad”

Umiiyak na rin ang mga kaibigan ni Xandra ng makita siyang halos wala ng lakas dahil sa pag-iyak

“I’m sorry if I’m a *hik* slut! Kasi diba yun yung sinabi mo sakin dati. I’m sorry kung akala mo *hik* nakipagtalik ako sa ibang lalaki”

“I’m sorry Alex” rinig kong sabi ni Diana habang umiiyak

“It’s okay Diana”

“Tyler please come back. I’m begging you”

Hindi ko kayang nakikita siyang nagkakaganito. Nagulat ako pati ang iba ng bigla siyang lumuhod. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, wala akong magawa habang nagkakaganito yung mahal ko.

“Tigilan mo na ko” yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko

“NO! ALAM KONG IKAW SI TYLER” pagpupumilit niya

“HINDI AKO SI TYLER! KASI SI TYLER IKAW ANG MAHAL PERO AKO? SI ZONIA AT HINDI IKAW”

Namanhid ang pisngi ko ng biglang may sumampal sakin. Akala ko si Xandra,pero  si Yanna pala
“HOW DARE YOU SAY THAT TO HERMIONE? YOU DON’T KNOW ANYTHING!”  tila natauhan naman ako at ngayon lang narealize yung nasabi ko

“HINDI MO ALAM YUNG PINAGDAANAN NG KAIBIGAN KO NUNG NALAMAN NIYANG WALA NA YUNG TAONG MAHAL NIYA! SHE EVEN ATTEMPT SUICIDE” nabigla naman ako dahil sa sinabi ni Yanna

Suicide?

“MAHAL MO SI ZONIA!? SIGE PANINDIGAN MO YAN AH! WAG NA WAG KANG LALAPIT SA KAIBIGAN KO KAPAG NALAMAN MO ANG TOTOO. HINDING-HINDI KO HAHAYAAN NA MAHAWAKAN MO KAHIT ISANG HIBLA NG BUHOK NIYA” sigaw niya sakin at hinila na si Xandra papasok sa kwarto nila. Hindi mo lang alam Yanna, alam ko na ang lahat. Ang duwag ko, sobrang duwag.

Tumayo na ang lahat at pumunta sa kanya-kanya nilang kwarto.

“Gab mag-usap tayo” tumayo si Zonia at naglakad, sinundan ko naman siya

Nandito kami ngayon sa may dalampasigan. Gabi na kaya kitangkita ang bilog na buwan

“Alam kong mahal mo siya”

Napatingin naman ako sakanya ng sabihin niya yun. Nakangiti siya habang nakatingin sa dagat

“Ano bang sinasabi mo?”

“Madali kasing basahin ang mata mo. Madali tuloy basahin na masaya ka lalo na kapag tumitingin ka kay Maam Alex” halata ba talaga? Pero dapat diba galit siya sakin ngayon? Pero bakit nakangiti siya sakin

“Bakit hindi ka magalit sakin?” tanong ko sakanya

“Bakit naman ako magagalit kung tinitignan mo siya? Dapat nga sakin magalit si Maam Alex dahil inagaw ko yung lalaking mahal niya”

“Hindi ako si Ty—“

“Ikaw si Tyler” pagputol niya sa sasabihin ko

“Simula nung sinasabi nila na ikaw daw si Tyler. Nag-research ako kung sino ba yung sinasabi nilang Tyler at nalaman ko na galing ka pala sa maimpluwensyang pamilya. Nung nakita ko yung itsura ni Kurt Tyler Lee pati ako inakala na iisa kayo. Mula sa mata, ilong, bibig at kahit saang parte pa ng mukha. Nalaman ko rin na yung kinamatay ni Kurt Tyler Lee ay nung malaglag siya sa bangin, yung dalampasigan sa baba nun at dalampasigan sa amin dati ay magkadugtong. Doon ko nalaman na ikaw si Tyler kaya hinanda ko na ang sarili ko kapag dumating ang araw na mangyayari ‘to  and sorry kung hindi ko sinabi sayo agad” umiiyak niyang sabi

“Don’t be sorry Zonia. Actually, nakaalala na ko pero I chose you over Xandra” hindi ko masabi sakanya yung dahilan

“Bakit? Dahil ba niligtas ka nila nanay at tatay?” nakangiti niya pa rin na sabi

“Zonia” yun na lang ang tangi kong nasabi

“Masaya ako dahil nakakaalala  ka na. Alam mo kung paano ka makakabawi kila Nanay at Tatay sa pagligtas sayo?”

“Paano?” takha kong tanong

“Maging masaya ka, kasama si Xandra”

Hindi ko napigilan na yakapin siya. Sobrang bait ni Zonia, hindi ko alam kung paano ko siya mapapasalamatan.

“Huy tama na nga! Nakamove-on na ko oh” bumitaw ako sa yakap at sabay kaming tumawa

“Sige na bumalik ka na sa kwarto niyo. Gusto ko lang munang maiwan dito ang payapa” napangiti ako, mahilig pa rin talaga siya sa tunog ng alon.

Bumalik na ko sa kwarto at natulog, maaga pa kaming aalis bukas. Sana mapatawad pa ko ni Xandra. Kailangan ko lang ng oras dahil baka galit siya sakin.

Tyler is coming back  Xandra

My Contract Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now