Chap 48- Memories are back

933 37 4
                                    

Gab's (Tyler) POV

Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko yung naalala ko. Ako—ako si Tyler na kakilala nila, ako si Tyler na hinahanap ni Maam Alex.

Pero paano si Zonia?

Hindi ko siya pwedeng iwan dahil baka masaktan siya? Pero paano na rin si Xandra? Alam kong matagal na niya akong hinintay pero siguro naman ay nakalimot na siya sa nangyari. Sino ba dapat ang piliin ko?

Si Zonia o Xandra?

“Anong sabi mo?” nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Xandra

“Ha? May sinabi po ba ako?” patay malisya kong tanong

“Sabi mo ikaw si Tyler? Naalala mo na ba?” tanong nito, gusto ko sanang sumagot ng oo pero inaalala ko kung anong mararamdaman ni Zonia.

“A-ano kasi diba sinasabi niyo na ako si Tyler kahit hindi naman kaya siguro lumabas lang sa bibig ko” grabe ang tanga mo magpalusot Tyler, sana maniwala siya.

“Ah ganun ba, akala ko ay naalala mo na” malungkot na turan nito

“Maam Alex, kalimutan niyo na po si Tyler at wag niyo na rin po ipilit na ako at siya ay iisa dahil magkaiba kami” I’m sorry Xandra pero kailangan ko ‘tong gawin

You don’t deserve me

“Siguro nga dapat ko na siyang kalimutan” masakit man marinig pero sa tingin ko ay yun yung tama

“Hoy! Ang tagal niyo naman jan!” sigaw ni Ate Trina

“Tara na Gab! Ang tagal na pala nating nakababad dito sa dagat” sabay kaming lumakad papunta sa may buhanginan at sinalubong nila kami.

Niyakap naman ako ni Zonia at binigyan ng tuwalya

“Bakit ang tagal niyo?” takhang tanong ni Zonia

“Napag-usapan lang naming na sana ay huwag na nila akong tawaging Tyler dahil iba ako, ako si Gab” napangiti naman si Zonia at inalalayan naman ako

“Mabuti naman kung ganun, hindi naman kasi ikaw talaga si Tyler diba?”

“Hindi ako si Tyler” siguro mas makabubuti ‘to, puro pasakit na lang nabibigay ko kay Xandra

Nginitian lang ako ni Zonia, alam kong masaya siya. Pero ako ba masaya? Tama ba ‘to?

“Kukuha lang kita ng kape”

  Umalis muna si Zonia saglit. Nakaupo lang ako dito sa may lobby. Nakatulala lang ako at nakatingin sa may lapag ng may nakita akong nakatayo sa harap ko.

“Ang bilis mo na—“ napatigil ako nung si Xandra ang nakita ko at hindi si Zonia

“Tyler”

“Sinabi ng hindi ako si Tyler” mahinahon kong sabi dito

“Ikaw si Tyler” pagpupumilit niya

“ANO BA!? SINABI NG HINDI AKO SI TYLER!! AKO SI GAB!” nagulat naman siya sa pagsigaw ko

Sorry Xandra, pero kailangan kong gawin ‘to. I’m really sorry.

“Hindi kita titigilan, alam kong ikaw si Tyler”

Humagulgol siya at nagulat ako ng bigla niya kong yakapin.

“I love you Tyler. I really love you. Please come back”

Pinipigilan kong yakapin siya pabalik. Kailangan ko siyang alisin sa pagkakayakap sakin dahil baka makita kami ni Zonia.

“Please come back”

My Contract Girlfriend (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora