Chapter 28: To The Rescue

46K 2K 419
                                    

Lumipas ang Pasko at Bagong Taon na wala man lang natanggap si Aika ni ha mula kay Mickey. Sa sobrang sama ng loob niya, in-unfriend niya ito sa Facebook. She removed his number from her phone and vowed to forget it no matter how hard that would be.

Siguro nga tama ang mga kaibigan niya. Maybe it's time to move on. Siguro dapat si Austin na lang ang pag-aralan niyang mahalin. Si Austin naman ang palaging nandyan. Ito ang palaging nakaalalay sa kanya. Ito ang palaging available. Ito ang palaging nagbibigay sa kanya ng atensyon.

He's perfect enough for her. And although her heart clearly longs for someone else, she needs to put a stop to her madness, to get over the feeling, and move on.

Pero hindi niya maitago ang lungkot nang magkita-kita silang magkakaibigan para magkumustahan. A week before Fresia's flight, the four of them had dinner. Sa isang Japanese restaurant na may kanya-kanyang room sila kumain. Habang nakaupo sila sa sahig at umiinom ng sake, saka siya mangiyak-ngiyak na nagkwento ng nangyayari sa buhay niya.

"Hindi ko alam kung bakit... bigla na lang syang hindi nagparamdam." Pinahid niya ang luha gamit ang sleeve ng damit. "After what we almost did... bigla na lang syang nagpatay-malisya."

"Beh, baka naman kasi wala talaga. Baka naman umaasa ka lang."

"Meron e! Meron, ramdam ko!" pilit niya. "I know you won't understand because maybe you don't feel it, but I do!"

Bumuntong-hininga si Brandi. Nagkatingin ang tatlo.

"I think we should tell her," sabi nito sa dalawa pa nilang kasama.

Natigil siya sa pag-iyak. "Tell me what?"

May pag-aalangan sa mukha ni Fresia. Binalingan nito ang katabing si Brandi. "Don't you think she's hurting enough?"

"But she needs to hear it. Baka sakaling matauhan sya," sagot ni Brandi.

"Ano ba kasing pinag-uusapan nyo?!" paasik niyang tanong. "What are you not telling me?!"

Kumapit sa braso niya si Mona. "Beh, kasi... nakwento sa 'min ni Brandi 'yong eksena nyo sa bahay. Hindi naman sya manhid para hindi nya maramdaman na may kakaibang nangyayari."

"She told us about it and we decided to intervene," Fresia continued. "We can let you love freely, Aiks. Pero 'yong masasaktan ka, ibang usapan na 'yon. Hindi pwedeng hindi kami makikialam."

Napamaang siya sa nalaman. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa tatlo. "What are you saying?"

"What we're saying, Aika," singit ni Brandi. "Is that we told him to get serious with you or get lost."

"Mahal ka namin, Beh. Hindi kami papayag na gagaguhin ka ng kahit sinong lalaki, lalo na't first time mong nagkaganyan. Para ka pa namang baliw kung magmahal. Imagine, kung hindi pa darating si Brandi, baka kung ano na'ng nagawa nya sa 'yo at hahayaan mo lang!"

Nanlalabo na ang mga mata niya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. So her friends drove him away? Iyon pala ang dahilan kung bakit bigla na lamang itong hindi namansin.

But on the other hand, she should be mad at Mickey, right? Her friends were only trying to protect her. Pero naiinis siya. Alam naman niyang katangahan lang ang ginagawa niya pero naiinis pa rin siya sa pakikialam ng mga ito.

"Aiks." Fresia reached for her hand and squeezed it. May awa siyang nakita sa mga mata nito. "We gave him a choice. We gave him a chance. If he's serious with you, he'll let you know."

"The way he's acting now, I think it's safe to assume that he doesn't really mean to pursue you."

Hearing that from Brandi was as good as getting slapped in the face.

Write Me A Heartache (The Starving Squad #2)Where stories live. Discover now