Chapter 30

9.4K 234 66
                                    


Enjoy reading :')

**********

Emilia's

DAHAN-DAHAN ko minulat ang mata ko nakita ko ang nag aalalang mukha ni Terry nasa loob na kami nang office room ako nakita ko din si Tomas. "Ma'am Lia okay lang po ba kayo?" Nag aalalng tanong ni Terry sa akin.

Inabutan naman ako ni Tomas nang tubig na agad ko namang ininum. "Okay lang ako." Bumaling ako kay Tomas. "Nasabi mo ba kay Marco ang nangyari?"

"Hindi po ma'am Lia noong tatawagan ko na po si sir Marco sabi ni Terry gumagalaw kana po at maya-maya lang nagising kana ma'am mga 15minutes po kayo'ng unconcious kung hindi pa po kayo magigising dapat dadalhin na po namin kayo sa ospital pero nagising na po kayo, sigurado po ba kayong okay lang po kayo?"

Tumango ako. "Nahilo lang siguro ako sa antok, pero okay lang ako huwag na kayong mag alala. Bumalik na kayo sa trabaho." Utos ko sa kanila.

Nag aalinlangan pa silang lumabas at iwan ako pero tumango ako sa kanilang dalawa kaya kahit ayaw nila akong iwan napilitan silang lumabas nang opisina ko. Naupo naman ako sa swivel chair ko. Wala na naman akong nararamdaman siguro nahilo lang talaga ako sa pakikinig sa meeting kanina na hindi ko naintindihan.

Sinubukan kung tawagan si Marco dahil gusto ko siyang makasabay na kumain nang lunch pero ilang minuto na akong paulit-ulit na tumatawag sa kanya pero hindi niya naman sinasagot. Pinikit-pikit ko ang mata ko para maiwan ang pag tulo nang luha ko. Tinamad na akong lumabas kaya nag pa-order nalang ako nang lunch.

Gusto ko sanang mag palipas nalang nang gutom pero hindi pwede kailangan kung inumin ang gamot na pinaiinom sa akin nang doctor para walang mangyaring masama sa akin at sa katawan ko. Pag dating nang order ko kinain ko na agad at uminom nang gamot.

Lumipas ang mag hapon na puro trabaho lang ako. Ilang beses ko pa sinubukan na tawagan ang cellphone ni Marco pero pinapatayan niya ako nang tawag o kaya naman hindi niya sinasagot. Inayos ko na ang gamit ko para umuwi. Pag daan ko sa mga secretary ko nag paalam pa sila sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanila saka nag diretso sa elevator pag sakay ko nang sasakyan. Sinubukan ko ulit tawagan nag hintay ako ulit sa nga mahahabang ring hangang sa pinapatayan ako nang tawag ni Marco pero hindi pa rin ako tumigil sa pagtawag sa kanya hangang sa makarating na kami sa bahay.

Pumasok na ako sa main door at dumiretso sa kwarto namin ni Marco. Ngayon ko lang napansin na napalitan na pala ang nasirang lampshade kagabi. Pumasok ako sa bathroom para maglinis pagkatapos ay nag suot ako nang pang bahay na damit. Inipit ko din ang buhok.

Pumunta ako sa nursery room. Nag paiwan nalang ako sa mga nanny nila sa loob nang nursery room. Gusto kung masolo ang mga anak ko para naman makalimutan ko si Marco lalo na ang pag hindi niyapag pansin sa mga tawag ko. Masakit sa akin yun pero nag ta-try pa rin ako at umaasa na sasagutin niya ang tawag ko.

"Momma why are you crying?" Nagulat ako sa tanong ni Eon.

Nakaupo na silang tatlo paharap sa akin. Nagulat pa ako nang punasan ni Eos ang pisnge ko na may luha. Yumakap naman sa akin si Ehra. "Don't cry Momma." Malungkot na sabi ni Ehra.

Hinila ko naman para mayakap ko ang tatlo kung anak pag kakalas ko sa yakap pinunasan ko ang luha sa pisnge ko. "Masaya lang si Mommy kasi kasama ko kayong tatlo." Hinalikan ko ang mga pisnge nila.

"Momma wag na iyak love na love ka namin." Malambing na sabi ni Eos.

"Love-love ka namin Momma." Sabay na sabi ni Eon at Ehra.

Napangiti naman ako sa mga anak ko at niyakap ko ulit silang tatlo siguro kung wala ang triplets ko nag iiyak na ako ngayon dahil walang mag papagaan nang loob ko. "Gusto niyo mag play tayo sa garden?" Nakangiting tanong ko sa kanila.

Carrying His Triplets (CharDawn)Where stories live. Discover now