Chapter 33

10.5K 221 22
                                    


Enjoy reading :')

**********

Emilia's

MABILIS ako lumapit kay Marco at humawak sa likuran niya para sana pigilan siya pero kitang-kita ko ang pang gigil niya. "Marco No huminahon ka muna." Awat ko sa asawa ko.

"James ilayo mo ang asawa ko." Utos ni Marco sa head security niya.

Mabilis naman na lumapit sa akin si James at hinila ako palayo kay Marco. Napatingin ako sa paligid at may mga nakatingin nang ibang tao. Yumakap din si Beng-beng sa akin.

Niyugyog ni Marco si Marcelo. "Pinag sabihan na kita Marcelo sinabi ko na sayo na tigilan mo ang asawa ko. Tigilan mo na ang pag papadala sa kanya nang bulaklak at kung anu-anu." Akmang susuntok na si Marco.

Mabilis na tinulak ni Marcelo si Marco para makawala. "Tinigilan ko na ang asawa mo. Huling beses akong nagdala at nag pakita sa kanya sa office niya kasama niya pa ang babaeng yan." Tinuro ni Marcelo si Beng-beng na nakayakap sa akin.

Kinuwelyuhan ulit siya ni Marco. "Siguraduhin mo lang Marcelo dahil ako na mismo ang papatay sayo kapag hindi kapa tumigil sa pangungulit sa asawa ko." Patulak na inalis ni Marco ang pagkakahawak kay Marcelo saka lumapit sa akin at humawak sa bewang ko. "Tara na Honey." Matatalim tingin ni Marco kay Marcelo nang lagpasan namin siya.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makapasok na kami sa VIP room at makaupo na ako. "Marco?"

Naupo naman agad ang asawa ko sa tabi ko. "Okay ka lang ba myLove?" Tanong niya at hinaplos ang pisnge ko.

Ngumiti ako. "Oo pero huwag muna uulitin yung ganun kinakabahan ako sayo eh."

Tumango naman siya. Pag dating nang pagkain nag umpisa na rin kaming lahat sa pagkain nang may maalala akong sabihin sa asawa ko. "Marco, Honey kung hindi si Marcelo ang nag papadala nang bulaklak sino naman kaya ang mag papadala?" Nagtatakang tanong ko sa asawa ko.

"Hindi rin natin alam Honey pero huwag na kayong tatangap ipatapon mo na agad baka may mapahamak pa lalo na ang dalawa mong secretary na kumakain nang chocolates. Hindi mo ba napapansin na iba na ang nag papadala?"

Umiling ako. "Hindi basta sinasabi lang sa akin nang secretary ko na nag padala daw ulit si Marcelo hindi ko na pinag kakaabalahan na tingnan o hanapin."

"Okay simula bukas utusan mo ang mga secratary mo na itapon agad ang mga bulaklak o kung anung regalo na matatangap baka kung anu pa ang mangyari sa kanila." Bilin ni Marco.

"Oh sige sasabihan ko agad sila mamaya pag uwi natin tatawagan ko nalang sila."

Tumango si Marco at bumaling sa mga nanny at kay Beng-beng. "Huwag na huwag kayo tatangap nang kahit anong galing sa hindi kakilala o mga regalo na pinapadala sa bahay lalo kana Bang-bang–"

Napahagalpak ako nang tawa sa narinig ko ganoon din sila si Marco lang ang hindi tumatawa at litong nakatingin sa amin.

"Honey Beng-beng hindi Bang-bang." Natawa na naman ako.

"Okay, i'm sorry. Beng-beng huwag na huwag kang tatangap nang kahit na anu galing sa kung kanina lalo na ang pagkain baka may lumason sayo lalo na at malapit ka sa ate Lia mo okay?" Bilin ni Marco.

Napatango naman si Beng-beng. "Okay po kuya Marco." Nakangiting sabi niya.

"Honey may check up ulit ako sa lingo sumama ka ha?" Malambing na sabi ko sa asawa ko.

"Oo naman Hon." Nakangiting sagot ni Marco at nag nakaw pa nang halik sa labi ko.

**********

Carrying His Triplets (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon