Chapter 31

10K 245 32
                                    


Enjoy reading :')

**********

SAKAY nang kotse pauwi tahimik lang ako sa back seat. Umuwi din naman ako agad dahil ayoko sa ospital. Napabuntong hiningan nalang ako. Mga limang oras din ang tinagal ko sa ospital. Nag text lang ako kay Marco na nauna na akong umuwi kaya kailangan maunahan ko siyang umuwi. "Tomas sigurado ka na wala pa sa bahay si Marco?" Paniniguro ko.

"Opo ma'am Lia nasa party pa raw po si sir Marco sabi ni James nang tumawag ako."

Tumango ako. "Okay, mabuti naman kung ganun." Tumingin ako sa labas nang bintana nang sasakyan.

"Ma'am Lia okay na po ba kayo?" Nag aalang tanong ni Tomas.

"Okay lang ako, sumama lang ang pakiramadam ko kaya nag padala agad ako sa ospital. Oo nga pala huwag mo na bangitin kay Marco na nag punta tayo sa ospital. Sabihin mo nalang nauna na tayong umuwi dahil sumama ang pakiramdam ko."

"Oh sige po ma'am Lia."

Hindi na ako nag salita hangang sa dumating na kami sa bahay nagulat pa ako nang sinalubong ako ni Beng. Ngumiti ako sa kanya. "Bakit gising kapa?" Tanong ko sa kanya habang hinalikan ko ang pisnge niya.

Nakita kung namula siya. "Inaantay ko po kayo ma–este ate Lia nasan si sir Marco?" Tanong niya.

"Nauna akong umuwi sa kanya masama kasi ang pakiramdam ko."

"Ganun po ba, hatid na kita ate Lia sa kwarto niyo." Inalalayan niya akong mag lakad.

Umakbay naman ako sa kanya. "Salamat." Sabi ko pag kahatid niya sa akin sa kwarto namin ni Marco. Dumiretso naman ako sa bathroom para mag linis. Nag bihis ako nang pjs hindi na ako nang night gown. Nahiga na ako sa kama pero hindi naman ako makatulog. Nakahiga lang ako habang nakatingin sa kisame.

Humawak ako sa tiyan ko. Napapitalag pa ako nang pabalibag na sinarado ni Marco ang pinto nang kwarto at dire-diretso sa bathroom ganun din ang pag sara niya nang pinto. Napaupo naman ako sa kama. Hinintay ko na lumabas siya nang walk in-closet.

"Bakit mo ako iniwan sa party?" Dumagundong ang galit na sigaw ni Marco.

Napapitlag na naman ako sa gulat. "Su-sumama kasi ang pakiramdam ko Marco kaya umuwi na ako. Sorry kung hindi ako nakapag paalam sayo." Nauutal na sagot ko.

Narinig ko ang mura niya. "Hindi ka pa rin nag paalam sa akin, hanap sila nang hanap sayo nakakabuwisit dahil tanong sila nang tanong nakakairita marinig ang pangalan mo." Malamig at galit na sabi niya bago padabog na nahiga sa tabi ko at tumalikod sa akin.

Napaiyak naman ako sa sinabi niya. Napahikbi pa ako nang ilang beses.

"Pwede ba tumigil ka sa pag da-drama mo Emilia!" Galit na sabi ni Marco.

Pinilit ko naman na tigilan ang pag iyak ko pero hindi ko naman mapigil. Humiga na ako patalikod kay Marco. Tahimik nalang akong umiyak hangang sa matuyo ang luha ko. Nagulat pa ako nang yumakap ang isang kamay ni Marco sa tiyan ko. Nakiramdam ako bago pumihit paharap sa kanya.

Nakita kung natutulog na siya. Nilapit ko ang mukha ko at dinampian nang halik ang labi niya. Palagi naman akong ganun hihintayin ko na makatulog siya saka ko siya hahalikan sa labi at yayakap sa kanya saka ako matutulog pero ngayon tinitigan ko muna ang mukha niya hangang sa makatulog ako.

*********

MAGHAPON lang akong nakipag laro sa mga anak ko dahil wala naman akong pasok si Marco naman nasa study room niya lang at pasilip-silip lang sa nursery room. Hindi pa rin kami nag kakausap nang maayos ni Marco umiiwas na kasi siya sa akin. Siguro dahil paulit-ulit lang naman ang sinasabi ko.

Carrying His Triplets (CharDawn)Where stories live. Discover now