ANG SIKRETONG RECIPE NG LAGIM

1.4K 49 39
                                    


Sasapit na ang araw ng mga patay. Siguradong maglilipana ang hindi mabilang na mga kuwento ng kababalaghan. Tiyak ay may nakapunla ring katakot-takot na akda sa iyong isipan na nararapat pakawalan.


[ TEMA ]

'666'

Isang sensitibong ingredient ang isang ito ngunit ito rin ang pinakamahalaga. Nasa mga kamay mo ang kapangyarihang bigyan ng buhay ang tatlong numerong ito. Mula sa simula hanggang dulo ng kuwento ay dapat nangingibabaw ang nasabing tema at hindi basta singit lang.  Kailangan ay dito hugutin ang pundasyon ng bawat salitang itatagaktak mo sa iyong kuwento.

Ano nga ba para sa 'yo ang 666? Isa ba itong sumpa o isang biyaya? Sa iyong mga mata, sa iyong kaisipan, sa kaibuturan ng iyong kaluluwa, anong iyong nadarama sa mga tatlong numerong magkakasama?

NOTE: Kung wala ka masyadong alam sa 666 o may pag-aalinlangan ka, sa kontes na ito ay IKAW MISMO ANG GAGAWA NG SARILI MONG INTERPRETASYON NG 666. Ikaw ang magbibigay-buhay rito, biblikal man o hindi ang bagsakan. Ikaw ang bahala. Kuwento mo 'yan, huwag mong limitahan sa nakasanayang kahulugan ng tatlong numerong ito. Paglaruan mo sila depende sa kung anong gusto mong kalabasan ng mga ito. Nakadepende sa 'yo ang interpretasyon mo ng tema, BASTA DAPAT MANGIBABAW ITO SA KUWENTO AT MANAIG PA RIN ANG '666'.


[ KANTA ] 

Bukod sa nasabing tema, dapat mo ring i-reflect ang isa sa mga kantang ito sa gagawin mong kuwento. Hangga't maaari ay habang binabasa ang iyong akda, para bang nakikinig ang mga mambabasa sa kantang iyong pinili. Kung ang tema ang kaluluwa, ito dapat ang magsilbing katawan ng iyong piyesa. Hindi na kailangan magbanggit ng kahit anong liriko mula sa mga kanta, ngunit dapat ay maging natural ang pagkakatambal ng kanta, tema, at kuwento na para bang silang lahat ay iisa. 

Pumili ng isang kanta mula sa mga sumusunod:

1 Six Degrees of Separation - The Script

2 Bring Me To Life - Evanescence

3 Take Me To Church - Hozier

4 My Immortal - Evanescence 

5 Ugoy ng Duyan - Lea Salonga

6 Banal na Aso - Yano


[ GENRE ] 

Horror , Mystery/Thriller, Suspense, Gothic o Paranormal.


[ MGA ELEMENTO ]

May sampu (10) tayong sahog dito. Dalawang pares, tig-lima. Sa bawat pares ay dapat kang pumili ng dalawa na isasaboy mo sa gagawin mong akda.

UNANG PARES: MGA KARAKTER

Kailangan ay makita o madawit sila sa istoya, bida man o extra ay hindi mahalaga. Dalawa lang ang kukuhanin mula sa mga ito. 

1 Rakistang matanda

2 Batang bagong tuli

3 Isang miyembro ng LGBT

4 Pilotong bulag

5 Piping naghahakot ng basura

PANGALAWANG PARES: MGA BAGAY

 Kailangan ay makita o madawit sila sa istoya, vital man o extra ay hindi mahalaga.  Dalawa lang ang kukuhanin mula sa mga ito.

1 Calculator na walang numero

2 Lumang barko sa ilalim ng karagatan

3 Kalesang sira 

4 Putol na buntot ng butiki

5 Butones na walang butas

KAILANGAN MONG I-BOLD SA MISMONG ISTORYA MO, SA MISMONG DOKUMENTO, ANG MGA NAPILI MONG ELEMENTO. LAHAT SILA.


[ PAMAGAT ]

Maging malikhain sa paggawa ng pamagat. Dapat ay may "suspense" factor ito at talaga namang nakaka-intriga. Hindi maaaring gamitin ang ngalan ng kanta bilang pamagat.


[ KATAWAN ]

Bawal ang emoticons. Bawal ang authors note. Bawal ang pagkuha ng piyesang hindi iyo o paggagaya ng gawa ng iba. Hindi puwedeng magpasa ng entri na napasa mo na sa iba. Everything should be fresh yet haunted. Maging malikhain at maparaan sa lahat ng pagkakataon.


[ LENGGUWAHE ]

Tagalog. English. TagLish.


[ WORD COUNT ]

1, 000 words to 2, 000


[ DEADLINE ]

Hanggang November 6, 2016, 6:00pm. Kapag lumagpas dito ay hindi na tatanggapin.

NOW EXTENDED: Check Second Wave + Sindak Prize #1 at the table of contents for more info. 


[ DESTINASYON NG PAGPAPASAHAN ]

I-pm ang mga sumusunod sa The Good Writers Club page o https://www.facebook.com/tgwcofficial/

*Attached document [your entry]

Plus, ilagay ito sa message field, hindi sa mismong document:

USERNAME:

NAPILING KANTA:

NAPILING MGA ELEMENTO:


[ CRITERIA FOR JUDGING ]

COMPLETION OF THE REQUIREMENTS (Relevance to the theme, song, elements, genre etc.) = 50%
CONTENT (Plot, Execution, Twists, etc.) = 30%
CREATIVITY = 10%
SENTENCE CONSTRUCTION AND TECHNICALITIES = 10%
TOTAL: 100%  


Nawa ay maging matagumpay ang pakikipag-isa ninyo sa kadiliman. Ang mga piyesa ay sisiguruhing gigisahin ng mga kukuhaning hurado hanggang sa kanilang makakaya. ANG AKDANG MANANALO AY MAPAPABILANG SA SUSUNOD NA LIBRO NG THE GOOD WRITERS' CLUB: HORROR COMPILATION. Abangan ang iba pang premyo.


Kung may iba pang katanungan, siguraduhin munang hindi pa ito nasasagot sa itaas bago i-komento.

SINDAK: Isang Malagim na PatimpalakWhere stories live. Discover now