KRITIK + ISKOR || ANG HILING NI MIGUEL

60 3 0
                                    


ANG HILING NI MIGUEL

Aningness

[ raw scores ]

56

88

76

62.465

71

77

65.5

66

79

89

83

61

61

39

= 973.965  


[ mga komento ]



Maayos ang simula pero pagdating sa bandang gitna, nagkagulo na ang construction ng idea. 'Yung mga requirement, parang napadaan lang kagaya nu'ng kaibigan ni Miguel na bagong tuli. Hindi ko rin ma-gets 'yung part na nag-iba 'yung anyo bigla ni Miguel sa paningin ni Toy kaya ayos lang sa kan'ya na hindi na niya ito makita ulit? Sa ending naman, nakakaewan 'yung ginawa ni Miguel sa Nanay niya. Parang hindi ko alam kung anong nangyari. Nagulat na lang ako na bigla niyang hiniling na mamatay na ang nanay niya. Hindi ako nakaramdam ng takot o kilabot. Medyo nalito kasi ako sa naging takbo. Siguro, konting emosyon at demonic scenes pa. Pangatawanan ang 666 na tema. Anyway, goodluck!


Hmm. Masyadong naging pilit ang pagkakapasok ng requirements. Parang sa tula lang, kapag pilit ang tugma, masakit sa tainga. Ano pa ba... execution, kaibigan! Kung sana'y napaglaanan pa ito ng panahon, marahil ay mas nagkaroon pa ito ng sipa. Maganda sana ang konsepto ng '666' na naisip mo, e, ngunit hindi naman napanindigan sa kabuuan kwento. Nasabi na nila lahat sa technicalities, at ipinapayo kong basahin at limiin mong mabuti ang puna nila ukol sa teknikalidad ng kwento, dahil palagay ko, iyon ang naging kahinaan ng akda mo. Ayun, huwag tayong magsawang matuto. Sulat lang, kaibigan!


Uhm, realistic sana kung napangatawanan. Iba kasi siya compare sa mga nauna e, so masasabi kong may something ito na wala sa kanila. Bumibira ako ng ganito ang konsepto kaya nakulangan talaga ako, pasensya na huhuhu. Kapag nabasa na ang umpisa na sanay na akong basahin, madali nang i-predict ang susunod kahit pa pasakan ng ibang detalyeng pang-crossover para sa hinihingi nila. Ang ano lang dine e, ayon nga areng execution. Ano, tamang edit saka proofread na rin, may ibubuga pa ito. Push pa! Kaya pang iraos 'to, whooh! *sagwa pakinggan hahaha* Power, kapatid! Good luck!


Napadaan lang po... Maganda na napili mong ilarawan ang isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa. Natawag agad nito ang aking pansin at hinintay ang magiging resolusyon na iyong ipapakita. Nadismaya ako sa parteng iyon, dahil walang resolusyong naganap. Siguro ay iyon talaga ang plot na nasa isip mo, bilang parte ng genre na rin siguro, so, labas na ako dun. haha! Sa napili namang kanta, hindi ko masyadong nakita ang koneksyon nito sa entry. Bring Me To Life, for me is a song about hope, kaya ko nasabing medyo hindi ito kumonekta sa entry. Ang pinakita namang interpretasyon ng 666 ay ayos lang, hindi siya ganun ka-impacting, sakto lang. Parang mas mabibigyang diin pa siguro kung mas maraming word count. haha! Pasok naman sa genre, nandun yung mga transformations at pag-turn sa dark side, may diablo at may konting gore. Medyo nasindak ako, pero dahil nga siguro sa umaasa ako ng redemption para sa main character, kaya nawala ito nang matapos ko ang pagbabasa. Naipasok naman ang mga napiling elements, kaya, okay ka dun. Congrats sa entry at goodluck sa iyo. Sulat lang ng sulat!


Hello. Hi. Parang pamilyar ang username. . .anyway! Requirements: nailagay ang lahat. But unfortunately, para lang silang sinalampak sa kwento. Yung tauhan at yung bagay. Sobrang napilitan ako. Kasi sa totoo lang, hindi kailangan ng iba't ibang character para mailagay yon. Ung batang tuli, pwedeng si miguel na yon. At pwede ring pipi na lang siya na naghahakot ng basura isang gabi. Hindi ko masyadong nakuha yung 666 idea. Hindi siya lumaganap sa buong kwento, medyo windang ako. Content: hilaw pa yung plot. Kailangan pa ng pagtasa. Pagbuo pa ng pagkatao ng bawat character. Hindi ko makuha kung ano ba talaga trip sa buhay ni miguel pwera sa maging drug pusher. Kulang pa sa lalim. Hindi pa ako naniniwalang kaya niya maging demonyo. Creativity: creativity bang maitatawag yung pagpugot niya ng ulo ng mama niya tapos binaligtad niya? Gusto ko yon. Pero mas gusto ko kung mababasa ko mismo ung emosyon ni migs nung ginagawa niya yon. Kung ano huli niyang sinabi. Anong sabi ng mama niya. Walang emosyon na lumabas sa akin dahil wala ring emosyon 'to. Technicalities: ang daming typos. Umpisa hanggang dulo. Kailangan ng mga tatlo pang edit. Jumping din ang scenes. Kailangan pag aralan nang maigi ang transition. Nakaka-disorient. Flesh out pa siguro ng narration at description. Nagkaroon din ng problema sa focus. Si miguel, si gina tas si miguel, tapos ung isa tas miguel ulit. Bakit nag focus kay gina nung medyo umpisa? Sana hindi. At sana "mama" ang tawag ng 3rd pov kay gina imbis na gina lang kasi akala ko gf ni migz si gina.


Hoho! elements, nandu'n naman. Hindi ko alng siguro naramdaman. Para kasing pilit lang ang pagkakapasok nito. 'Yong kwento, nakakabitin in a ay na... Ayan na.. aya na... horro na yan pero hindi pa al. So, parang nasisira yung mood ko sa pagbabasa kasi di ko alam kung magiging neutral alng ba ako o aasa na akong may mangyayaring kasindak-sindak. Hindi ko sinasabing pangit it. Sa katunayan, maganda siya pero kulang. Parang minadali na masyado kaya hindi na-empasize ang gustong ipahiwatig which is nag-spoonfeed ka sa last part. yung pangwakas mong salita. In a way, du'n ko na-realize na ah ganu'n pala. Ah, kaya pala. Ang traditional ng dating nito sa'kin kasi ilang beses na akong nakabasa ng ganito so kahit paano may dating 'yung sa'yo. ASTIG KA


Ang Hiling ni Miguel TEMA. Ito ang kabuuang kaisipan na dapat makita sa akda ng mga sumali rito sa Sindak. Inaasahan kong makita ang pagiging masining ng bawat isa patungkol sa sariling interpretasyon nila sa 666. Para sa akin, maganda ang naging kaisipan mo sa 666. Medyo hindi ko lang maintindihan kung ang 666 ba ay kautusan o isang sumpa. Ngunit ganoon pa man, maganda naman ang naging interpretasyon mo rito. Ang pinaka-concern ko lang ay ang pagbuhay at pagpapagana ng tema sa buo mong akda. Maganda, ngunit pilit ang naging kinalabasan dahil hindi masyadong nabigyan ng spotlight, ng emphasis. Siguro'y iyon ang hinahanap ko sa iyong akda. KANTA. Katulad ng tema, ito rin ang magsisilbing guide upang mapaganda pa ang inyong akda. Inaasahan ko ring ang meaning ng kantang napili ay maihahalintulad sa akda na ginawa at hindi lang basta-bastang pinili. Nakita ko naman sa akda mo na may halintulad ito sa kantang iyong pinili. Bring Me To Life: "wake me up inside". Nabuhay ang sariling siya dahil sa tulong ng diablo. Ngunit sa mga sumunod na linya ng kanta, taliwas na sa kaisipang ipinapakita ng kwento. "call my name and save me from the dark". Iniisip kong maganda sana kung nagsimula ka sa parte na sumama siya sa diablo at mangyayari na marerealize niyang dapat na siyang lumayo roon. Ngunit ito naman ang iyong kaisipan kaya't hindi ko na poproblemahin pa iyon. GENRE. Takot, dilim, sindak, iyan ang hinahanap ko sa mga akdang narito sa Sindak. Hindi mo man ako madaan sa pananakot, idaan mo na lang sa pagiging madilim at mararamdaman ko ang salitang "pandidiri". Madilim nga ang iyong napili at ang mga karakter ay swak talaga sa ganitong genre. Hinanap ko lamang ang creativeness mo sa paggamit sa kanila, sa pagmanipula sa kanila. ELEMENTO. Anumang elemento ang napili mo, inaasahan kong napanindigan mo iyon kahit na naisingit lang ang iba sa mga ito.
₪ Hapit ng Tema: Binanggit ang 666, ngunit hindi mababanaag sa kabuuan ng storya. ₪ Himig ng Kanta: Hindi ko makita ang relevance ng kanta sa storya. ₪ Habi ng Pares: Sa pares ng tauhan at sa pares ng gamit, tanging ang piping naghahakot ng basura ang nagamit ng may kabuluhan. ₪ Hatak ng Pamagat: Payak ang pamagat. Walang kakaibang hatak sa (essence ng) storya. ₪ Hataw ng Daloy: Mas litaw ang melodrama at ang masalimuot na kaganapan sa "tunay" na buhay kaysa sa hindik o gimbal ng kababalaghan na hatid (sana) ng 666 o ng demonyo. Maayos ang bungad, ngunit hindi gaano ang katapusan. ₪ Hambalos ng Sindak ₪ Hagupit ng Lagim ₪ Hindik ng Pamamaslang: Mahina ang sindak at lagim na nais iparating ng mga kaganapan dito, although sad and twisted ang ending. Magkaganunpaman, ang paninindak rito ay flimsy. ₪ Habol na Mungkahi: Paglinangin pa ang skill sa pananakot kung horror ang genre ang nais gamitin.

SINDAK: Isang Malagim na PatimpalakWhere stories live. Discover now