Fighting Angel

1K 85 78
                                    

"D-daisy..."

"Mom..."

"P-please, pigilan mo ang... papa mo."

"Anong pipigilan, Diana?" Biglang pasok ni Diego Montes, ang Genius Stone ng 6th generation. "Daisy, iwan mo muna kami ng mom mo."

Ayaw man niyang iwan ang ina ay sinunod na lamang ng dalaga ang sinabi mg ama.

"Isa kang demonyo!" kahit na nanghihina na ay nagawa pa rin ng ginang na sigawan ang kabiyak, "Wala kang puso!"

Nasasaktan ang ginoo sa sinasabi ng asawa, mahal na mahal niya ito kaya lang kailangan niya talagang gawin ang mga bagay na labag sa kalooban nito. "Diana, please." Lumapit siya sa asawa saka niyakap ito, "Kailangan kong gawin 'yon kay Dahlia dahil kung hindi..." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa kanyang asawa, "Maari siyang mawala sa atin." At saka niya itinurok sa likuran nito ang gamot.

"W-wala k-kang... puso." At tuluyan na ngang nawalan nang malay ang babaeng nagngangalang Diana sa bisig ng kanyang nahihirapang asawa.

Sa kwarto naman ni Daisy ay hindi niya maiwasang mapangiti nang makita ang hinalungkat niyang lampin. May naka-stitch dito na 'D&D'. Ito ang lampin nila ng kanyang kambal bago pa man ito man hiwalay sa kanila. "Daisy and Dahlia. Dahlia na ngayon ay si Jennica Mae na." Nakaramdam siya bigla ng lungkot nang maalala na may gustong pumatay sa kanyang kambal, "Mahahanap ko rin siya kambal. Ano pang silbi ng pagiging agent ko kung—"

"Code Ideal on the line connecting to Code Priestess, respond. ASAP!"

Naalimpungatan ang dalaga at saka tumugon "Code Priestess responding. Over."

"S-si Jen! May nangyari sa kan—shit! Hinahabol na ako ng—double shit!"

Dali-daling kinuha ng dalaga ang itim niyang maskara saka tumakbo palabas. Makakapatay talaga ako sa oras na masaktan ang kambal ko!

"Where do you think you're going?"

"Dad may mission—"

"Assign it to others."

"But—"

"Assign it to others!"

Napalunok si Daisy, Anong problema ni dad?, "B-but dad this involves Dahl—"

"She's an agent by blood Daisy. She can take care of herself," matigas na tugon ng ginoo.

"But she's not trained to be one dad," Daisy tried to sound calm as much as possible. Ang kanyang ama ay ang Genius Stone ng 6th generation kaya alam niyang walang patutunguhan kung makikipag-debate siya rito. Dadaanin na lamang niya ito sa pakiusap, "Please dad. She needs me."

"I also need you. Tumawag ka na lang ng ibang back-up. You're the Priestess Stone, ikaw dapat ang nasusunod at hindi ikaw ang sumusunod. Now, tumawag ka na ng iba at pumunta ka agad sa study room ko. May tatapusin ka pang pagsusulit," saad ni Diego sa anak saka pumihit na paalis.

Natigilan naman ang dalaga. Hindi niya mapigilang ngumiti nang mapakla. Pagsusulit. Diyan lang siya may oras sa 'kin., naiinis niyang saad sa utak. "You never became my father," hindi niya mapigilang bulalas.

Napahinto sa paglakad ang ginoo saka hinarap ulit ang anak, "You were saying?"

She smirked bitterly and answered, "From the moment we were born, between Dahlia and me, ako na ang pinili mo para maging agent. Pinatapon mo ang kambal ko dahil 'yon ang nakasaad sa batas ng PS, na hindi maaaring magkaroon ng kambal ang isa sa mga agents dahil maaaring mapahamak ang mga ito at maaari ring masiwalat ang identity namin. Naiintindihan ko naman iyon dad, e." She still tried to keep her temper.

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now