The Lessons

596 23 2
                                    

Sa isang tagong condo unit naman ay maririnig mo ang iyak ng isang sanggol at ang pagbulyaw ng isang ginang. Maririnig mo rin ang malakas na kalabog na parang may gustong patumbahin na kung ano.

"Damn it! Sino ba ang nang-hostage sa atin? Sa pagkakaalam ko naman hindi pa ako namatayan ng pasyente," naiinis na saad ni Dr. Perez.

"Tapos ang sosyal pa ng kulungan natin. Condo unit talaga? Grabe. Ang yaman naman ng hostage taker na 'to," nakuha pang magbiro ni Mrs. Perez habang buhat-buhat ang kanyang anak na si Jennifer. Iyak ito nang iyak, alam niyang hindi dahil sa physiological needs kaya umiiyak ang kanyang anak. Umiiyak ito dahil hindi pa nito nakikita ang kanyang ate Jennica. Nasanay na kasi itong nakikita ang ate bago matulog. Kumalabog na naman ang pinto at napatingin siya sa sanhi nito, "Honey pie, huwag mo nang pilitin." Pilit kasi nitong binubuksan ang pintuan ng nasabing condo.

Nag-pout na lamang ang doktor. Hindi niya alam kung ilang oras na silang naririto dahil kanina, habang nasa clinic siya at umiinon ng kape ay naramdaman niyang sumama ang pakiramdam ng kanyang tiyan kaya naisipan niyang magbanyo. Nang matapos ay agad siyang lumabas at nang buksan niya ang pinto ay bumungad na lamang sa kanya ang isang naka-itim na lalaki at may ini-spray sa kanyang mukha na sanhi ng kanyang pagtulog. Nagising na lamang siyang kasama ang mag-ina na parehong tulog sa kondong ito, "Honey pie, paano ka nga pala napunta rito?"

"May board meeting kami tapos biglang umeksena ang sekretarya ko at sinabing si Jennica daw ay tumatawag. Nag-alala ako kaya umabas ako at pumuntang opisina para sagutin, pero pagpasok ko, spray ng kung anong mabaho ang sumalubong sa akin then I passed out." Tiningnan ng ginang ang anak, "Si Jennifer, paano kaya siya napunta rito?"

"Honey pie, hindi pa kayang magkwento ni baby Jennifer."

"Sinabi ko bang magkwento siya?" naka-poker face na saad ng ginang sa asawa.

"Honey pie, paano kung iyong mga totoong magulang ni Jennica ang nagpa-kidnap sa atin? Paano kung kasalukuyan na nilang binabawi ang panganay natin?"

Umiling lamang ang ginang at sinabing, "Hindi maari 'yon. May usapan kami ni Diego."

"Pero honey pie, alam mo namang tuso ang Diegong 'yon. Hindi mapagkakatiwalaan at ex mo pa siya." Mas lalong humaba ang nguso ng doktor.

"Selos ka naman? Hanggang yakap lang 'yon sa akin, e ikaw? Hanggang saan ka ba?"

Namula ang pisngi ng doktor. Ilang taon na silang kasal ni Selena pero nakakaramdam pa rin siya ng spark o kilig kapag may ganitong mga moments sila, "Honey pie! Huwag mo nga akong tawanan!"

"Hindi kaya-pfft!" Aliw na aliw ang ginang sa mukha ng kanyang asawa, naramdaman din niyang tumigil saglit sa pag-iyak si Jennifer.

Magsasalita pa sana ang doktor nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae, may suot itong pulang eleganteng damit, naka-smrik itong nakatingin sa kanila. May kasama rin itong mga guwardyang naka-itim na nakapwesto sa likuran.

Napatayo si Selena nang makita ang babae, "I-ikaw? Anong-"

"Hush, Selena. It's been a long time. Right, bestfriend?"

"Huwag mo nga akong matawag-tawag na bestfriend na babae ka!" bulyaw niya rito at nilingon ang asawa saka inabot niya rito ng karga-kargang si Jennifer.

"Honey pie sino siya?" nagtatakang tanong ng doktor saka tinanggap si Jennifer sa kanyang mga bisig.

"Isa sa mga higher form ng ahas honey pie. Hindi ba siya naituro sa inyo sa biology?" Selena answered in a gritted teeth then she faced the woman again, "Anong ginagawa mo rito?"

"My my my, Selena, aren't you moving on? Tapos na ang mga araw na 'yon," saad naman ng babae saka dahan-dahang lumakad papunta sa kinaroroonan ni Selena.

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now