Chapter 44

455 8 0
                                    

NASA loob ng Hell Unit na naman si Reymond. Ito na ang ikalimang beses na pumasok siya rito sa buong linggo.

Napahilot ng sentido si Daisy, nasa Hell Unit si Reymond dahil nagkasala na naman ito. Halos mapatay nito ang kriminal na pinapahuli niya. Ilang beses na niya kasing sinabi rito na hindi muna siya bibigyan ng misyon pero sadyang matigas ang ulo ng binata.

"Nandyan na naman siya?" nakataas ang kilay na tanong ni Hannah kay Code Priestess, "Tsk. Tsk."

Pinindot ni Daisy ang dilaw na buton which sends electric shock to the whole unit. Kitang-kita niya kung paano lumabas ang mga ugat ni Reymond nang makuryente ito. They have to follow their law. Code si Reymond kaya alam niyang parang wala lang ito sa kanya. Alam niyang ang mas nagpapahirap rito ay ang katotohanang wala na ang kanyang kambal. Binitawan na niya ang buton at agad na umalis sa naturang unit.

"Wait . . . D-daisy."

Rinig niyang tawag ni Reymond sa kanya. Nanghihina ang boses nito. Alam na niya ang sasabihin nito kaya inunahan na niya ito, "No Reymond. Hindi ka na makakakuha ng misyon."

"N-no." mabigat ang bawat paghinga ni Reymond. Sumandal siya sa dingding at pumikit, "I don't want a mission." nanginginig pa ang kanyang buong katawan mula sa pagkaka-electric shock pero binalewala niya ito, "I-i want to be . . . raptured." 

Nalaglag ang panga ni Hannah nang marinig iyon, H-hindi pwede., gusto niya sanang tumutol pero wala siyang karapatan. Kahit na ang Superior Authority ay hindi maaaring mangialam sa kagustuhan ng isang Code patungkol sa proseso ng rapture.

Napalunok si Daisy at nilingon si Reymond, "Sigurado ka ba?"

Tumawa si Reymond at pumikit, "Kulang ang parusang iginagawad niyo sa akin. Nawala siya nang dahil sa akin. Pinatay ko siya, ang babaeng mahal na mahal ko." tumingin siya ulit sa kakambal ni Jennica at ngumiti ng matamis, "This is the best consequence I can get. Ano pa nga ba ang mas masakit kundi ang makalimutan mo ang lahat ng taong naging parte ng buhay mo? Ang mga taong nagmamahal at nagpapangiti sa iyo? I deserved that punishment so please . . . " nanghihina siyang lumuhod habang hindi hinihiwalay ang tingin kay Daisy, " . . . grant me."

Ang rapture ay kung saan ilalagay sa isang kwarto ang isang Code at patatamaan ng iba't ibang radiation at rays. Tinatanggal nito ang lahat ng mahahalagang memory. Ang itinitira na lamang ay ang memorya nito kung paano kumain, maglakad, magbasa, mabuhay sa araw-araw. Magmimistula silang bagong kakapanganak sa mundong ibabaw. Naimbento ito ng ikaapat na henerasyon at ginagamit para sa mga napakapasaway na Codes. "B-by . . . " halos ayaw ipagpatuloy ni Daisy ang sasabihin at pilit niyang pinipigilan ang sariling maiyak, " . .  . the power vested upon me I shall . . . "

Ngumiti si Reymond nang marinig ang pagdedeklara ng pinuno.

"Huwag Daisy! Huwag mong gawin iyan!" hindi makapaniwalang saad ni Hannah.

Pero tila walang narinig si Daisy at nagpatuloy na lamang, " . . . grant you the process of r-rapture. Effective 3 days from now."

Naiinis na umalis si Hannah at sinanggi pa ang balikat ni Daisy, Plan A is busted. Ugh!

***

HANNAH keeps on tapping her index finger on the table. May hinihintay kasi siya at ayon sa kanyang temper meter ay kanina pa talaga siya naghihintay. Nang may kumatok ay hinanda na niya ang hawak na puncher para ibato sa taong papasok.

"Ma'am Hannah—whoah!" mabuti na lang at madaling nakailag ang babae. "T-teka ma'am! Kalma po!"

Hannah composed herself pero hindi pa rin maitatago sa kanyang mukha ang inis at pagkairita, "Sit."

The Philosopher Stones (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora