Chapter 13: Who to choose?

63 1 1
                                    

***

Irish's POV

"Irish ano ka ba? Lumabas ka na jan!" Sigaw ni Pau habang kinakalampag ng malakas ang pinto ng fitting room.

"Ayoko nakakahiya. Hindi nalang ako aattend Bes."

"Anong nakakahiya eh ang ganda ganda ng dress na yan, lumabas ka na jan! Subukan mong wag umattend malilintikan ka sakin."

"Bes naman eh, wag mo akong tatawanan?"

"Hindi nga!"

"Promise?"

"Oo sabi! Lumabas ka na jan."

Uwaaah! Nakakahiya talaga tong black dress na pinasusukat sa akin ni Bes. Fit shiny black dress ito na under the knee at showy yung dibdib. Yun nga ang kinahihiya ko, wala akong anu...uwaaah!

Thursday na ngayon at heto kami ngayon sa mall ni Bes, grabe talaga ayoko na.

"Hoy! Irish lumabas ka na sabi!!"

Binuksan ko na yung pinto at sinilip si Bes na kasalukuyang nakapameywang at antaas ng kilay.

"He-he-he." Pilit kong tawa, nakakatajot itsura niya.

"Lumabas ka sabe!" Hinila niya ako palabas.

"Pffft."

Sabi na eh, tatawanan niya lang ako.

"Bes naman eh!"

"Sorry, sorry hahahaha! Di ko mapigilan hahaha! Pffft, ngayon alam ko na kung bakit hahaha. Eto na lang ang sukatin mo, ako nalang magsusuot niyan." Sabay abot niya sa akin.

Pumasok na ulit ako sa fitting room at sinukat yung white cream na dress. 3/4 dress ito na under the knee din pero mas gusto ko to kesa sa naunang pinasuot sa akin ni Bes.

Lumabas ako para ipakita kay Bes at ng makita niya, nag thumbs-up lang siya with matching tango tango pa.

Binayaran na namin sa counter yung dress. I mean si Bes ang nagbayad, libre niya ako eh. Nahihiya na nga ako sa kanya. Lagi nalang niya akong nililibre kahit hindi ako nagpapalibre.

Nagtungo naman kami sa shop ng mga heels. Nakakalula lang ang taas ng mga takong pero ang gaganda.

"Oh, sukatin mo." Sabay abot ni Bes sa akin ng white heels with diamonds on top! At luh?! Anong pagkakapointed ng takong ire, mukhang mababali kung sasadyain.

"Bes wag na--"

"Susukatin mo o hindi?" Tinaasan niya ako ng kilay. Huhuhu. Nakakatakot talaga siya.

"Susukatin ko na po oh."

"Good." Sabay talikod niya sa akin.

Sinuot ko na yung heels at ittry ko na sanang ilakad kaso hindi ako makatayo.

"Bes hindi ako makatayo." Painosente kong sabi kay Bes.

"Miss paki-alalayan nga nung kasama ko."- Pau

"Ok ma'am." Sabi nung sales lady.

Inalalayan akong tumayo nung sales lady at sinimulan ko ng maglakad.

"Irish, anong klaseng lakad yan?! Gosh!" Napaface palm nalang si Bes ng makita niya ang lakad ko.

"Ano ba Bes, atleast nakakalakad." Sagot ko.

Ang lakad ko kasi ay yung parang sa Feng Shui, yung lotus feet ganun. Ang hirap naman kasi ilakad ng heels na ito, parang konting hakbang lang mababali na.

"Bes wag nalang heels. Feeling ko matutumba ako. Pwede boots nalang? Please.. Pretty pleaaaase??"

Huminga siya ng malalim. "Ugh ok fine! Siguraduhin mong ayos yang pipiliin mo."

Unpredictable LOVE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon