Unexpected

303 21 3
                                    


Autumn's P. O. V

Eto na kami ngayon ni Shin naglalakad pabalik ng school. Nakakahiya dahil kanina pa ako pulang pula sa mga pinagsasasabi nya sa akin. Twing tinitignan ko sya, hindi ko talaga maiwasang imaginin na si Taehyung tong kasama ko.

Hays isa payong lalaking yon. Miss na miss ko na sya at ang tagal na mula nung nagcomeback sila. Bibihira ko na nga lang syang makitang nagseselca sa twitter nila. Anong gagawin ko? Nababaliw na ako sa pagkamiss sa bias ko.

"Okay ka lang?" huminto kami sa paglalakad at hinarap nya ako sa kanya. Tumango ako.

Lalo akong namula ng bahagya nyang pisilin ang pisngi ko.

"Strictong Patnubay at Gabay ng magula-
Binato sya ni Shin ng panyong kinuha nya sa bulsa nya.

"Yah! Cutting ka nanaman?" tanong ni Shin kay Kyo. Ngumiti lang si Kyo at umiling

"May hahanapin sana ako sa labas kaso pinagbawalan mo na ako. Sige pasok na ako" hindi ko alam kung nakita ko ba syang tumingin sa akin pero wala lang feeling ko napansin kolang iyon.

Tumawa lang si Shin at napailing. "Tara na?" aya nya sa akin habang nilalahad sa akin ang mga kamay nya.

"Sige" tumango lang ako at tinanggihan ang kamay nya.

******

Pumasok na si Shin at eto ako papunta ng dorm para magbihis at magprepare sa class ko. Papasok na ako ng kwarto nang biglang may tumisod sa akin.

"Pabo" Kinindatan nya ako sabay takbo habang tumatawa. May hawak syang ramyun kaya halos matapon na iyon sa kakatakbo nya.

"YAAAAAAH!!! KYOOO! MAPAPATAY TALAGA KITAAA!!" sigaw ko kaya napatingin nang ibang estudyanteng kalalabas lang sa kanya kanya nilang dorm. Nabubwisit akong pumasok sa loob at agad na humiga sa kama.

"Pabo!? Bwisit! Akala nya hindi ko naiintindihan. UGHHHH!!!!" hinampas hampas ko ang mga unan ko hanggang ang ibang bulak nito sa loob ay halos matanggal na. Tumigil na ako ng marealize kong tortured na tortured na ang unan ko.

*Beep beeep*

Agad akong napataranta sa pagkuha ng phone ko sa bulsa ko. Napangiti ako nang mabasa ko agad kung sino ang nagtext sa akin.

From: Shin

Sabay tayo maya ha? Puntahan kita sa room nyo mamaya.

Napahawak ako sa pisngi ko. Oo diko parin maitangging kinikilig ako pag gusto nya akong sabayan, ihatid o kahit simpleng pagconcern nya lang sa akin. Kahit sakanya manlang maramdaman kong parang si Taehyung lang tong nakakasama ko.

To: Shin

Sige.

Natawa ako sa reply ko. Ganyan kasi talaga ako kaikli minsan mag text sobrang tamad na tamad ako makipagtext sa iba to the point na once in a blue moon nalang ako magpaload. Himala these days napapadalas na ang pagpapaload ko.

From: Shin

Sige. What room?

Sasabihin ko ba? Parang nahihiya kasi ako sabayan sya eh. Sa totoo lang napaka famous nya tapos biglang idadate nya ay isang patatas lang na tulad ko!? Juskooo nakakahiya.

To: Shin

Text nalang kita mamay-

Agad kong binura ang tinype ko. Instead, nagtype ulit ako at this time sinend konarin agad. Bahala na mamaya!

That Korean Boy Is My Suitor? (BTS V) Where stories live. Discover now