Tip No. 2 - Accept The Fact That Some Things In Life Go On Without You

873 25 13
                                    

"What the hell is wrong with you? Are you fucking crazy?" ang sigaw ni Nathan nang nakalayo na siya sa mga kamay ko.

"Stop it already, Torres. What the fuck is your problem?" ang sabi naman ni Jay na nakahawak sa mga braso ko habang tuloy pa rin ang pagpupumiglas ko para masabunutan si Nathan.

"Bitawan mo ko, Espino. Isa ka pang sinungaling ka! I'm going to kill that cheating son of a-"

Naputol ang pagsigaw ko nang bigla kong na-realize na hindi lang si Nathan at ang babaeng homewrecker ang nandito ngayon sa loob ng malawak na unit. In fact, anim silang lahat at isa na doon si Mads. Nasa mukha ng bawat isa sa kanila ang pagka-alarm na may halong pagtataka kaya tumigil na agad ako sa pagwawala.

Napakagat ako ng labi para hindi ko malabas ang bubble of laughter na bigla na lang sumulpot sa dibdib ko dahil sa absurdity ng sitwasyon. I acted based on a conclusion na hindi ko pinag-isipan nang husto. I immediately jumped at the chance to protect Mads kahit pa wala sa akin ang lahat ng facts at hindi na kagaya ng dati ang relationship namin dahil sa lahat ng mga nangyari noon.

Wow, I really must be crazy. Akala ko pa naman naubos na ang kahibangan ko dahil masyadong ordinary at uneventful ang buhay ko sa States. It must be the humid air sa Pilipinas kaya ako nagkakaganito.

Napahawak na lang ako sa tyan ko nang hindi ko na napigilan ang pagtawa at ilang seconds din ang lumipas bago ako nahimasmasan. Nakita ko sa mga mukha ng mga nakapaligid sa akin ang pag-aalala at para bang malapit na nila gamitin ang mga phone nila para tumawag sa isang mental institution. Kaya naman, natawa na lang ulit ako nang malakas.

Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita para tigilan na nila ang pag-entertain sa idea na isa akong psycho. "Sorry. I honestly thought you were cheating on Mads kasi may ibang girl na nagbukas ng pinto."

Wala naman sa kanila ang natawa sa sinabi ko, probably because I looked like I was mentally unstable, at hindi nakuha ni Nathan na makapag-form ng isang buong sentence dahil sa pinaghalong inis at pagkabigla.

"I would never... You thought I... Did you really... " Pinadaan na muna niya ang isang kamay niya sa buhok niya bago siya nagpatuloy. "Well, shit. If you're here to cause trouble, you should just-"

Hindi ko na narinig ang susunod na sasabihin niya dahil lumapit agad si Mads sa kanya at hinawakan siya nito sa braso.

"Nate, love, tama na. Misunderstanding lang naman at na-clear na. Let it go, please?" ang sabi ni Mads bago siya bumaling sa akin. "Si Jill 'yung nagbukas ng pinto kanina. 'Di namin ine-expect na darating ka ngayon. Kamusta naman 'yung flight mo, Claire?"

Napansin ko agad ang pagbabago ni Mads nang nasa harap ko na siya. I didn't think it was possible but she had gotten even more beautiful. She still had long hair pero wavy na ang style nito at may shade na brown instead of her usual black. Nawala na ang innocence sa paraan ng pagdala niya sa sarili niya at napalitan na ng confidence.

Masaya naman ako para sa kanya pero may isang pagbabago na hindi ko nagustuhan. Simula kasi noong bata pa kami, lagi niya akong tinatawag na "Cla-cla". Hearing her call me "Claire" now felt like I was being stabbed in the chest.

Stop being pathetic. Hindi ka nagpunta ng Pilipinas para mag-ayos ng relationships na nasira na. You're here para mag-fulfill ng obligations and that's it, ang paalala ko sa sarili ko.

"It was long pero okay lang naman," ang sagot ko sa kanya. Tumayo na ako nang maayos at in-extend ang kamay ko sa babaeng tinawag ni Mads na "Jill".

"Hi, I'm Claire Torres," ang sabi ko with a smile na hindi sana obvious na pilit.

Tumingin muna siya kina Mads at Nathan bago niya inabot ang kamay ko nang may pag-aalangan. "Juliana Francisco, pero Jill 'yung tawag nila sa'kin. Ikaw pala si Claire. Umm... Best friend ako ni Yumi saka ni Shay kaya hindi kami talo ng mga lalakeng 'to."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love Junkie's Guide To Self-recovery (A Girl's Guidebook #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon