Chapter 7 : Where did the party go

38.1K 1.9K 1K
                                    

CHAPTER 7

WHERE DID THE PARTY GO

THIRD PERSON'S POV


"D-dad... Dad anong nangyayari?" Nauutal na sambit ni Gunner sa kanyang ama habang pinagmamasdan nila mula sa telebisyon ang nagkalat na mga bangkay ng mga panauhin, at patuloy na pagbaril ng mga salarin sa mga natitirang buhay na nagtatakbuhan at nagtatago sa ilalim ng mga mesa.


Imbes na sagutin ang tanong ng kanyang anak, agad na nagtatakbo ang ama patungo sa pinto upang mai-lock ito.


"Oh my God! Papatayin din nila tayo!" Tuluyang napaiyak sa takot si Jade. Palinga-linga siya sa paligid, hindi mapakali at mistulang tuluyan nang binalot ng taranta, agad na lamang niyang isinuot ang kanyang mga sapatos.


"Gunner!" Dali-daling nilapitan ng ama ang kanyang anak. Nang mapansing wala sa wisyo ang binata dahil sa gulat at takot, agad niya itong kinwelyohan, "Anak! Kailangan na nating umalis! Kailangan tayo ng mga kapatid mo!"


Wala sa sariling tumango-tango si Gunner habang nakatitig parin sa telebisyon.


Natataranta man, pilit na nag-isip ng paraan ang ama ni Gunner. Kahit walang kasiguraduhan, agad siyang nagtatakbo patungo sa direksyon ng bintana at binuksan ito. Ngunit habang sinisilip ang babagsakan kung sakaling tatalon, bigla niyang napansin ang pintong nasa dulo ng silid na kinaroroonan.


Dali-dali niyang binuksan ang pinto at tila ba nabuhayan siya ng loob nang makitang isa itong fire exit.


"Dito!" Dali-dali niyang hinila sina Jade at Gunner patungo sa isang maliit na pasilyo, hanggang sa tuluyan nilang marating ang isang manipis na hagdang kinakalawang na. Panay ang pagkalansing at pag-alog ng struktura nito dahil sa kanilang pagmamadali.


Sa takot, agad na nagtago ang tatlo sa pinakamalapit na talahiban. Dinig na dinig pa nila ang putok ng mga baril at sigawan ng mga walang kalaban-labang panauhin.


"Stay low and run," Maotoridad na sambit ng ama kaya naman kahit litong-lito at halos wala sa sarili ay nagtatakbo na lamang sina Jade at Gunner habang iniyuyuko ang kanilang mga likod at ulo nang sa gayon ay walang ibang makakita sa kanila.


Hindi nagtagal, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa gitna ng isang maliit na kalsadang nababalot ng kadiliman at ingay ng mga kuliglig mula sa nagkakapalang mga halaman at puno.


"Oh my God! What the hell just happened?!" Mangiyak-ngiyak na bumagsak si Jade sa kalsada dala ng labis na kaba at takot.


"D-dad ang mga kapatid ko! Dad puntahan natin sila!" Taranta at hindi mapakali, labis naman ang panginginig ni Gunner habang hawak ang kanyang cellphone na nagsisilbi nilang ilaw.


"Shh! Shh!" Gamit ang isang kamay, agad na hinawakan ng ama ang batok ni Gunner. Dahil sa ginawa, hindi na napigilan pa ni Gunner ang kanyang sarili na maiyak at mapayakap ng mahigpit sa kanyang ama na tila ba isang batang naghahanap ng kalinga.

SalakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon