Chapter 11 : Burn it down

35.5K 1.8K 783
                                    

CHAPTER 11:

BURN IT DOWN

BLUE'S POV



I held the rosary in my hand as I prayed over and over again. I kept praying for the safety of my brothers. I kept praying, asking for forgiveness for what I've done and for what I'm about to do. I've never prayed like this before.


Lumapit ako kay Lemuel na nakaratay parin sa kama ko. Habang tumatagal lalo siyang nanghihina at mas lalon pang dumadami ang dugong nawawala sa kanya. Unti-unti naring nawawala ang kulay sa kanyang mukha, nag-aalala akong baka hindi na niya kayanin ang sugat na tinamo.


"Hey." Naupo ako malapit sa kanya at nginitian siya. Ngumiti naman siya pabalik at sinubukang abutin ang kamay ko. Hinang-hina na siya kaya ako nalang mismo ang humawak sa kamay niya.


"Kung makakapasok sila sa kwartong 'to, magpanggap ka na lang patay okay? You need to think about yourself now." Bilin ko sa kanya at iniwan sa kamay niya ang rosaryong hawak ko. Tinulungan ko ang nanginginig niyang kamay upang humigpit ang hawak niya rito.


Sa isang iglap bigla kong naulinigan ang pag-ring ng isang cellphone. Mistulang nanggagaling ito sa bulsa ni Frank kaya naman dali-dali ko itong pinulot.


"Bossing?" Basa ko sa caller ID na lumitaw. Naguguluhan man, sinagot ko na lamang ang tawag sa pag-asang sa pamamagitan nito ay magkakaroon kami ng ideya sa nangyayari o kung nasaan man si Mooky.


Dali-dali kong pinindot ang record button sa cellphone at taimtim na pinakinggan ang sumunod niyang mga sinabi.


"Makinig ka, wala daw sa function hall ang anak kong si Daisy kaya baka andiyan lang siya sa subdivision! Pablo, alam niyo kung ano ang hitsura ng anak ko kaya siguraduhin niyong hindi siya madadamay! Hindi siya dapat saktan ng isa man sa inyo kung hindi malilintikan kayo sakin!" Bigla kong narinig ang boses ng isang lalake mula sa kabilang linya. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko, may-edad na ang lalaking nagsasalita kung pagbabasehan ang boses niya.


Pero teka sandali... Kung anak niya si Daisy edi ibig sabihin ang kausap ko ngayon ay si Mr. Bridge?


Si Mr. Bridge na may-ari ng subdivision na'to at ang mismong may-ari ng corporasyong pinagtatrabahuan ni Daddy at Kuya Landon.


"At bago niyo ipuwesto ang mga bandera ng ISIS, siguraduhin niyo munang sunog na ang lahat ng mga bahay at patay na ang lahat! Kailangan maniwala ang lahat na recognition mula sa ISIS ang gusto niya. Nga pala ay mga guest daw na nawawa mula sa party ko, baka bumalik sila diyan sa subdivision, siguraduhin ninyong walang magiging aberya! At inuulit niyo, 'wag na 'wag niyong sasaktan ang anak ko!" Muli niyang sambit at sa puntong iyon, biglang bumalik sa akin ang sinabi ni Pablo tungkol sa pagkamatay ng Kuya Landon ko.


Sabi ni Frank napag-utusan lang sila... at napag-utusan lang din siyang patayin si Kuya... Ibig sabihin...


"They raped her before they killed her." Kusang lumabas ang mga salita mula sa bibig ko. Para akong nawalan ng kontrol sa sarili kong katawan, namalayan ko na lamang na labis na ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa matinding galit at nag-uunahan na naman sa pag-agos ang luha ko.

SalakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon