Her Confession, His Confirmation

6.2K 61 8
                                    

So excited for Give Love, Give Back Philippines later :)

----------------------------

Heartstrings

Kathryn’s POV:

Nakapagdesisyon na ako na ipagtapat mismo kay Nicole yung bagay na pinangako kong sa aming dalawa dapat ni Daniel. Yung pinangako kong hindi dapat makakalabas at wala dapat makaka-alam maliban sa aming dalawa. Hindi ako nakatupad sa ‘pangakong’ isasarili na lang yung ‘DEAL’ na nangyare.

Minsan dumadating sa punto na dahil sa konsensya napuputol o nababali natin yung promise na binitawan natin. Dadating dinsa punto na ikaw na mismo ang magtatapat kung ano bang tunay na nangyare dahil hindi mo na kayang ilihim pa.

Yung pressure at konsenya…

Kasabay pa noon yung mga sinasabi ng ibang tao na nakakadagdag sa bigat na dinadala mo. Ang naisip mo lang na paraan para maalis yung pakiramdam na iyon sa dibdib mo ee..ipagtapat kung ano ang totoo kahit na alam mong may masaktan kapag sinabi mo ito.

Take the risk kung iyon ang sa tingin mong tama.

Yun nga ang ginagawa ko.

Ipinagtapat ko na kay Nicole ang ‘Deal’ naming dalawa ng kuya niya.

-Flash Back-

Napupuno na ako sa mga ‘side comments’ na naririnig ko sa loob ng campus. Hindi mamatay-matay yung issue na may third party sa ‘relationship’ naming ni Daniel. May mga rumors din na hindi ko daw minahal si Daniel kahit hindi totoo yung paratang nila sa akin na gold digger daw ako.

Mas better na nagbreak na daw kaming dalawa kesa naman masira ang image ni Daniel dahil nalabel na ako sa ‘nobody’.

Hindi daw ako bagay at kahit kalian hindi kami pwedeng magsama na dalawa.

May mga nagsasabi din na mas bagay kung… kung si Julia at Daniel ang magkaaktuluyan hindi yung ordinary girl na katulad ko.

Hindi ako sikat tulad ni Julia na kilala hindi lang dito kundi sa buong Pilipinas pa nga ee…

Hindi ako maganda na isang bagay na hinahangaan ng mga tao sa kanya.

Oo, masakit na marinig yung mga salitang iyon lalo na kung araw-araw ba naming ipamukha sayo ng mga tao na kulang na lang isigaw nila para lang patamaan ako.

Pero totoo naman ee…

Minsan nga naiisip ko na kung sana hindi na lang kami nagkausap na dalawa. Siguro, normal lang yung buhay ko hanggang ngayon. Ako pa din yung normal na student ng North Richmond. Walang ibang iniisip kundi pagaaral para mamaintain yung scholarship. Hindi ako napreressure ng ganito at hindi rin ako nasasaktan sa mga hateful words na naririnig ko every day.

Hindi siguro ako nahihirapana ng ganito.

I sighed deeply.

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang