Half a Heart

2K 82 11
                                    

HEARTSTRINGS: SUPERMAN vs. BATMAN
DANIEL'S POV:
Wala kaming inatupag ngayon kundi ipromote at gawin yung 'publicity stunt' na naisip ng management. Pumayag naman ang manager ni Julia na si tita tungkol dito ang sabi niya nga pabor din sa part nila dahil mas nakikilala si Julia ng mga tao.

Syempre hindi rin maalis yung mga 'rumor' tungkol saming dalawa at nalilink na din kami kung kani-kaninong young/teen artist.

Alam niyo naman siguro ang kalakalan pagdating sa showbiz diba?

Kailangan na mapag-usapan para kagatin ng mga tao. Syempre merong positibo at negatibong epekto ito sa career namin.

Ngayon naguest kami ni Julia sa isang morning talk show. Katulad ng ipang show na napuntahan naming dalawa napagusapan yung tungkol sa career at tungkol sa 'loveteam' naming dalawa.

"Anong masasabi niyo sa fans niyo na maagang gumising para makita kayong dalawa?" tanong ng host.

Lumakas yung tilian at hiyawan ng mga audience karamihan kasi kasing age namin at fans. Sabi nga ng mga host para daw kaming nagfans day sa studio nila.

"Thank you guys! Sa mga fans ko... Sa mga fans namin we love you guys and thank you sa walang sawang pagsuporta saming akin at sa aming dalawa ni DJ."

Sinulyapan ako ni Julia at nginitian.

"Ayun ho... Katulad ng sabi ni Julia ahh maraming-maraming salamat ho sa inyong lahat. Sana patuloy pa rin yung pagsuporta niyo samin." kinawayan ko sila bilang pagpapasalamat.

"Ok,  thank you guys. Here's your flower Julia." iniabot na yung bouquet of flowers kay Julia hudyat na patapos na yung guesting namin.

Maya-maya lang nagsenyas yung isang staff for commercial. Nagpalakpakan na yung mga audience.

Tumayo na kami ni Julia at lumapit sa mga fans para pagbigyan sila na makipagpicture saming dalawa.

Ilang minuto ang nakalipas tinawag na kami para umalis. Merong staff na nag-assist samin hanggang sa dumiretso na si Julia sa dressing room niya.

Sinundan ko siya.

Kumatok ako sa pinto bago buksan ito.

Naabutan ko siyang nakaupo habang nagaayos yung p.a. at make-up artist. Sinilyapan niya ako wala na yung ngiti sa mukha niya na kanina parati kong nakikita.

Umiwas siya sakin ng tingin.

"Pwede ba kitang maka-usap?" tanong ko.

Ilang segundo rin ang nakalipas ng marinig ko siyang magsalita. Tinignan niya yung staff niya at sinabing. "Lumabas muna kayo."

Ngayon na kami na lang dalawa sa dressong room niya sinarado ko na ang pinto.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?"

"Julia gusto ko lang na magka-ayos tayo? Ayoko ng ganito---"

"Then bakit mo ginawa iyon?"

"Gusto ko lang magpakatotoo Julia." diin kong sinabi sa kanya. Gusto kong malaman niya na sincere ako sa sinasabi ko.

Ayoko ng masaktan siya at higit sa lahat ayoko ng magpanggap.

Tumayo siya at hinarap ako.

Nakita ko agad yung lungkot sa mga mata niya. Alam kong alam na niya kung bakit ba gusto ko siyang maka-usap ngayon.

"Alam ko Julia ang nararamdaman mo kasi pati ako nasasaktan na nakikita kang ganyan. Nasasaktan ako na ganito tayo ngayon... Pero gusto ko sanang malaman mo na hindi ko intensyon na saktan ka Julia. Gusto ko lang maging honest sayo at maging honest sa sarili ko..."

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Where stories live. Discover now