Sabi Mo

17 1 0
                                    

Submitted under #WHFPoemAndCoverMakingContest

"Sabi mo"
by AthenaSai

Magkaibigan tayo noon pero nagtapat ka na gusto mo ako.
Sakto nagugustuhan na din kita.
Niligawan mo ako,
At sinagot kita.
Sabay sabi sa sarili na "Ikaw na nga".

Pero hindi tayo nagtagal dahil nalaman ko, ako'y pinaglalaruan mo lang pala.
Ako si tanga ayaw maniwala sa sinasabi ng barkada.
Na nakita ka daw nila may kahalikan ng iba.

Naalala ko pa yung mga sinabi mo noon.
Sabi mo "Hindi kita sasaktan, mamahalin kita higit pa kanino man".
Sabi mo "Hindi mo ako lolokohin dahil hindi ko kaya ang nakikita kang umiiyak ng ako ang dahilan".
Dahil sabi mo " Mundo moko at hinding hindi ako mabubuhay pag ako'y iniwan mo."
Sabi mo " Walang iwanan dahil tayo lang kailan pa man."

Pero lahat ng 'yon hindi pala totoo.
Dahil habang sinasabi mo yon sakin noon.
Dun ko lang napagtanto na hindi pala talaga ako ang mahal mo,
Na hindi pala ako mundo mo.

Naniwala ako sayo noong sabihin mong ako lang ang mahal mo.
Pinagtatanggol kita kahit nagmumukha akong tanga sa harap ng mga kaibigan ko.
Nagtext ka sakin ng araw na iyon,
akala ko sasabihin mong mahal mo ako.
Ngunit iba ang nabasa ko sa mensaheng iyong ipinadala, naiyak ako.
Ang sabi mo sa message mo "sorry di ko sinasadya pero may mahal talaga akong iba, ginamit lang kita para pagselosin siya. Sana mapatawad mo ako. I'm sorry."

Dun ko napagtanto na totoo pala, niloloko mo lang ako.
Nagpakatanga ako sayo.
Minahal kita ng totoo, pero lahat ng matatamis na sinabi mo noon lahat yon hindi pala totoo.

WHF Poem CompilationsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang