Kapwa

13 2 0
                                    

Submitted under #WHFWriteroftheWeek
Week1

"Kapwa"
by: zandrelica_12

Laging isaisip ang iyong ginagawa,
Tumatak lagi sa ating unawa,
Dapat pahalagahan ang ating kapwa,
Sila ang isa sa ating gantimpala.

Mahalin ang kapwa sa pamamagitan,
Ng bukas na palad na pagtutulungan,
Ang mga tao na nangangailangan,
Ating saklolohan ating tulungan.

Laging isipin na ang mas makakabuti,
Maging matulungin sa nakararami,
Magbigay liwanag sa mga munti,
Mainam kaysa sa mga yamang madami.

Ang ngiti't halakhak sa isip at puso,
Iparamdam sa ibang may luhang bugso,
Tiyak sasaya ang mga munting tao,
Pagpalain ka nitong paraiso.

WHF Poem CompilationsWhere stories live. Discover now