Paglisan

11 2 0
                                    

Submitted under #WHFWriterOfTheWeek
Week 1

"Paglisan"
by: yourstillmyhero20

Sa iyong paglisan maalala sana
Mga panahon tayo'y magkasama pa
Inibig na agad kita sa simula Panahong nagdaan tayo'y magkasama
Naalala mo ba 'nong tayo'y bata pa?
Nagsumpaan tayo sa harap ng mangga
Sumpang nawala na parang mga bula
Tuluyan mong nilisan, nilimot bigla
Puti kong buhok ay di na makikita
Pagkat ,ikaw ay maagang mawawala
Puso'y may dalamhati pagkat di kaya
Di ko kayang mawala ang sinisinta
Pero kung tadhana mo'y napapanahon
Di na ako tututol at ako'y aayon
Sa paglisan maalala ang kahapon
Kahapong nagdaan na nasa garapon
Aking sinta, kapag dumating ang araw
Ng takdang panahon ng aking pagpanaw
Bigyan mo sana ang aking daan ng ilaw
Ilaw na magbibigay sa akin ng tanglaw .

WHF Poem CompilationsWhere stories live. Discover now