Chapter 6

2.1K 59 3
                                    

I could sense his gaze on me. I didn't utter a word to greet him. Hello, we are not in the school!

Umangat ang kilay ko dahil nag-uunahan sa ilong ko ang mamahaling pabango nito. Dior Sauvage?

Nakita ko na todo pa-cute naman ang babaeng nasa counter na nag-entertain sa kanya. Umusog ako nang konti nang naramdaman kong dumaplis sa aking siko ang itim na relong suot nito.

"May ipapasulat ka po ba rito, sir?" The girl motioned to the two grande of espresso and macchiato placed on the tray.

"Just write Leyana on the macchiato. Huwag mo na lagyan ang espresso," nakangiting sagot ni sir Chan.

Namula naman kaagad 'yong babae. Tumikhim ako at tinuro ang Cinnamon Danish sa babae. "Pabili ako nito isa, Miss, tsaka dalawa na ring Chocolate Marble Pound Cake," I said, smiling.

Ngunit tila hangin lang ang sinabi ko dahil hindi naman nakikinig 'yong babae, na kay sir Villaceran lamang itinuon nito ang buong attention.

Crossing my arms, umirap ako saka muling sumipsip sa kape ko.

Fine! I'll wait for my turn. Wala naman talaga akong balak bumili kasi mayroon na sa table namin. Trip ko lang mang-inis, bakit ba!

"Please add Cinnamon Danish and Chocolate Marble Pound Cake to my order, Miss."

Nagulat ako nang banggitin ni sir Villaceran sa babae 'yong mga tinuro ko.

"Anything else, Miss Cajez?"

"Huh?" Bahagya akong napalingon sa kanya pagkatapos sa tray ng sweets na inilapag nung babae. "Are these mine?"

"Yes, it's all yours. You want to add something?"

"Ah, wala na," nahihiyang sagot ko saka mabilis na dinukot 'yong wallet ko sa bulsa.

Ibibigay ko na sana ang bayad ko pero naunahan na ako ni Sir Villaceran. Inabot na nito sa babae ang card.

"It's on me. Pakihatid na lang sa table pagkatapos, Miss. Thank you," he said, holding the tray and headed towards their table.

Napatanga na lang ako. Gusto ko sanang habulin siya para mag-thank you pero sinalubong naman kaagad siya nung babaeng kasama niya.

"'Yong order mo, Miss!"

Nilingon ko ang babae na nasa counter, nakabusangot na ang mukha nito habang nakatitig sa likuran ko.

"Ah, thanks," malamig kong sinabi at kinuha na ang tray.

Ngiting puno ng pang-aasar ang iginawad sa akin ng dalawang bakla. Pumalapak pa itong si Nikola. Tinaasan ko lang sila ng kilay pareho saka umupo na.

"Huy, ano 'yon, Cassie, ha? Kumikilos ng palihim, teh? Ahasan tayo ganern?" Malditang bungad ni Mashuafin sa akin sabay inisa-isang tinitignan ang nasa tray na nilapag ko lang. Kumunot ang kanyang noo nang makitang same lang iyon sa dala ni Nikola kanina. "What the heck?"

I arched my brows. "Ubusin niyo 'yan lahat. Libre 'yan nung crush niyo!"

Mapang-akusa akong tinitigan nilang dalawa.

The Last WaltzWhere stories live. Discover now