Chapter 14

1.7K 64 0
                                    


Lots of people would say I am the exact definition of a bitch. Gano'n daw kasi ang nakikita nila sa akin. Wala rin sa vocabulary ko ang magpaliwanag. That's why I'm living with that perception.
 

Nakaupo ako sa sun lounger sa beach front ng Vpark hotel habang tanaw ang asul na karagatan ng Isla Romantika. Dito ako dinadala ng mga paa ko mula sa pagtakbo kanina.

I just want to shout all my pain in the hope that waves will hear me and wash it all away. Would it be possible?

Naagaw ang attention ko sa dalawang babae na pinagtutulungang buhatin ang isang malaking swan floater na kulay pink papunta sa dagat. Parehong nakasuot ang mga ito ng two-piece.

Bahagya pa akong nagulat nang nakilala kung sino ang mga ito.

Cherry and Tempest?

Napairap ako sa hangin nang makompirmang sila nga!

Ang malas ko naman yata dahil ang dalawang bruha pa ng school ang mga nakikita ko ngayon tapos ang pangit-pangit pa ng itsura ko!

Huli na para tumayo ako para sana takasan ang dalawa dahil nakikita na ako ni Tempest. Nang-aasar ako nitong kinakawayan at ipinamukha sa akin ang kanyang sexy na suot.

"Hey, Cassiopeia Phyllies!"

Huminto ang mga ito sa kabilang sun lounger at nilapag sa lupa ang swan floater saka hinarap ako.

Wala akong nakikitang gulat sa pagmumukha ni Cherry nang nakita ako. Sa halip ako pa ang nagugulat dahil sa bagong kulay ng buhok nito. Gayang-gaya sa kulay ng sa akin. Gray and pink din. Umiwas na lang ako ng tingin.

Matalik na kaibigan ni Tempest ang cousin kong si Doviena at mukhang close na rin nila itong si Cherry. Mga parehong mainit ang dugo sa akin kahit wala naman akong ginagawa sila. Siguro 'yong aura ko lang talaga na hindi friendly at 'yong bansag sa akin na bitch at maldita.

"Wow! You look good in your outfit today. Para kang basahan na prinsesa?" si Tempest uli sabay hinampas si Cherry sa braso. "Right, friendship?"

Nakangiting tumatango naman ito sabay pinagkrus ang mga braso.

"Wala ako sa mood makipag-usap sa mga plastic sa dagat," walang filter kong sagot.

Umasim naman kaagad ang itsura ni Tempest sa sinabi ko, kulang na lang sumabog ang curly hair nito.

"Really, Cassie? Hindi ka man lang ba nakaramdam ng gulat kung bakit nandito ako?" mapang-asar na tanong naman ni Cherry.

Rolling my eyes, pinag-krus ko rin ang mga braso ko at legs. "Slight only. Mas nakakagulat kasi na anyong tao ka ngayon," nakangiti kong sagot.

"What? Anyong tao raw, Cherry? Ang kapal lang talaga ng mukha ng psychotic na 'to."

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili na pagsalitaan ng pangit si Tempest.

"Really? Bakit, anong tingin mo sa akin sa school, Cassie?" singhal ni Cherry, halatang paiyak na.

Nakita kong hinaplos naman kunwari ni Tempest ang likod nito.

"Anyong lupa? Kidding," I replied, laughing. "Anyway, ligo na kayo, girls! Stop wasting your time here. Wala kayong mapapala sa akin. Alis na!"

Inirapan lang ako ni Tempest sabay bumulong ng kung ano-anu kay Cherry.

Demonyita talaga. Sarap kalbuhin ng babaeng halimaw sa banga na ito.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong ginagawa ko rito, Cassie?" pag-uulit ni Cherry na ikinairita ko lalo.

The Last WaltzWhere stories live. Discover now