Sticker Message

30 5 1
                                    

Start na raw. So hinanap ko na yung kaibigan ko.

Yung kaibigan kong nandiyan palagi para sa 'kin. Yung kaibigan kong nakakabaliw kasama. Yung kaibigan kong hard magsalita sa 'kin.

Yung kaibigan kong sinasamahan ako kapag umiiyak ako. Yung nandiyan siya at handang makinig. Yung magbibigay sa 'kin ng advice.

Yung kaibigan kong matampuhin. Yung topakin. Yung moody.

Yung kaibigan kong hopeless romantic.

Yung kaibigan kong hindi ako iiwan.

Nakita ko siya na parang may hinahanap din. Nagpunas siya ng gilid ng mata niya. Humahaba ang leeg kakahanap. Umiiyak siya. Nadadala yata sa emosyon ng mga tao sa paligid. Halos nag-iiyakan na kasi sila. Idagdag mo pa yung background music na nakakaiyak.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

Idinikit ko agad sa kaniya yung Thank you and I'm sorry sticker saka ko siya niyakap.

Alam kong nagulat siya.

Niyakap niya ako pabalik. Mas mahigpit. Humagulhol na parang bata.

"Sor-sorry!! Salamat! Sorry talaga."

Pati tuloy ako nadadala sa kaniya.

Hindi ko na napigilan yung mga luha ko.

Namiss ko rin kasi siya.

Halos tatlong linggo niya ako hindi pinansin. Nagtampo kasi. Akala pinagpalit ko na siya.

Ang adik lang.

Kung alam lang niya.

Kung alam lang niya na hindi na ako makakahanap pa ng katulad niya.

Dahil nag-iisa lang siya na best friend ko.

Dinikitan din niya ako ng same sticker.

Tapos umalis siya para ibigay sa boyfriend niya yung I love you
sticker.

Ako kaya?

Ibibigay ko ba?

Sticker MessageWhere stories live. Discover now